Paranoid

270 Words
Isang umaga ay tinawag ako ng mga kaibigan ko na samahan silang pumunta sa bayan at may bibilhin sila ng mga gamit para sa project nila. Tinanong ko sila kung sagot nila ang pamasahe ko kung sasama ako sa kanila at sagot naman nila kaya sumama ako sa kanila pumunta sa bayan. Ng lumakad na kami sa bayan ay marami kaming napuntahan at gumala na rin dahil matagal na kaming hindi nagkagalaan ng magkakaibigan. Dahil narin sa aming paglilibang ay hindi namin namalayan ang oras at malapit ng gumabi at mahirap ng sumakay ng jeep pa uwi. Kaya naghintay kami ng ilang minutes Bago nakasakay ng jeep at masayang nagku-kwentuhan. Ng may naramdaman kaming umiba ang dinadaanan ng aming sinasakyan jeep kaya napatingin kami sa isat-isa. Walang nagsalita sa amin at tumingin lang kami sa dinadaanan ng jeep. Natatakot na Kami dahil lahat kami ay babae at kaming tatlo nalang ang lamang ng kanyang jeep kaya nang magsisigaw na sana kami ay nagsalita sya sa amin. Na kukunin na muna nya ang hinabilin ng kanyang asawa at babalik din kung saan ang daan papaunta sa amin. Huminto nga sya at hindi na bumaba kundi may Isang matanda na may ibinigay na malaking bag at tinanggap naman ito ni Manong Driver. Kaya nagkangitian kami ng aking mga kaibigan akala na namin ay dadalhin nya kami sa kung saan-saan at malalaman nalang sa dyaryo na may natagpuan sa bakanting lupa o kung saan man. Kaya nagpalinga-linga na lamang kami ng aming Ulo. Kaya ng bumaba na kami sa kanyang sasakyan ay lakas na ng aming tawa sa kanina dahil sa pagiging paranoid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD