Abby!!. Abby!!.. ang tawag sa akin ng kasamahan ko sa work kaya tumigil ako at tinignan sya.
Workmate (pov)
Ito pala may package kang dumating kanina..
Abby (pov)
Thanks! Be...
Kaya kinuha ko at naglakad pa punta sa table ko at nilagay ko muna at ayaw ko pang buksan dahil may gagawin pa ako at nakita ko ang nakalagay na adress kung saan galing at nangaling sa aking probinsya.
Maya- maya ng matapos ko na ang ginagawa ko ay naisipan kong buksang ang package na dumating kanina.
Binuksan ko at tinignan ang mga laman at di ako maka paniwala sa mga nakita ko sa loob.
Ang mga larawan ng aking kaibigan at isang subre.
Kaya nagbalik sa aking alaala ang mga nakaraan na hindi ko makakalimutan at
nag sisiunahan ang aking mga luha.
("Tagu- taguan maliwanag ang buwan, masarap maglaro sa dilim-diliman. Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Wala sa harap! Wala sa likod! Pagbilang ko ng sampu nakatago na kayo!.. 1!, 2!, 3!.....10!.")
Habang binibigkas ni May ang katagang nag papatakbo sa amin lahat at naghahanap ng matatagoan.
Nagtago ako malapit sa puno ng mangga at napa upo dahil nga maraming mga puno ang naka paligid sa amin lugar na pinaglalaruan.
Nasa bakanting lupa kami na may maraming ibat-ibang puno kaya magandang paglaruan ng tagu-taguan.
May naririnig na akong mga pangalan na tintawag kaya na papangiti ako dahil hindi pa ako nakikita.
Kaya tinignan ko na kung saan na si may at naghahanap pa sa ibang kalaro kaya kinuha ko ang pagkataon ko na tumakbo at pumunta sa kanyang base nakita ko rin syang tumakbo at nag-uunahan kaming pumunta sa kanyang base at naunahan ko sya at sumigaw ako .
Abby(pov)
Save!!!. save!!!. Ahhh!!.
May(pov)
Ahh!!!... Ahh!! Ako na naman ang taya!!.
Abby(pov)
Hahahaha!!!
Kaya tumawa nalang ako dahil hindi na naman ako taya sa larong ito. Hanggang sa may tumatawag na sa amin pangalan at pinapauwi na kami dahil gabi na at para makakain na ng panghapunan.
May(pov)
Abby pwede ba ako sa bahay nyo muna dahil di pa umuuwi sina Nanay at Tatay sa pagtitinda ng mga gulay sa palengke.
Kaya tumango na lamang ako at isinama sya sa bahay namin. At dito din sya kumain ng panghapunan dahil nga di rin naman iba si May sa amin best friend ko sya at kapit bahay.
Palagi kaming magkasama saan man kami magpunta. Nang matapos namin kumain si May ay di rin nagtagal nang pumunta si Nanay nya at may dalang saging na ibigay kay mamang.
Dito kasi sa amin ay laging nagbibigayan ng kung anu-ano man hindi madamot ang mga taong nakatira sa lugar namin lahat kami dito ay nagbibigayan.
Kaya ng mag highschool kami ay palagi parin kaming magkasama. Kung saan na kami nagpupunta dahil nga teenager at mahilig magliliwaliw sa ibang lugar.
Pumunta sa ilog at maligo may mga dala pa nga kaming mga salbabida na galing sa lumang gulong. Pumunta din kami sa bukid at nangunguha ng mga puno ng mangga at ibat-ibang puno na may bunga.
Kaya palagi kaming pinapagalitan ng aming mga magulang dahil sa amin paglalawatsa.
Nong magdalaga kami ay medyo may katabaan si May pero maganda sya. Mahilig syang rumanpa at nag mo model dahil pangarap nyang sumali sa pageant at lagi namin syang sinusuportahan sa kanyang pangarap dahil sya rin ang kinukuha sa amin classroom na maging muse.
Kaya lang ay naghiwalay ang kanyang mga magulang at nag-iisang anak lamang sya kaya ako lagi ang kanyang pinagsasabihan ng kanyang mga problema sa kanilang bahay.
May ibang babae daw ang kanyang ama at nahuli raw ito ng kanyang Nanay. Dahil nga may taniman silang gulay ay palaging pumupunta ang kanyang Tatay sa bukid at buong araw daw itong nanduon.
Kaya nung minsan dumalaw ang kanyang nanay sa bukirin at nadatnan ang kanilang maliit na kubo ay nakita nya na magkayap ang kanyang asawa sa ibang babae.
Kaya sila ay nag-away at naghiwalay kaya palaging malungkot si May.
May(pov)
Abby parang ayaw ko ng mabuhay pa!!
Iyan palagi ang naririnig ko sa kanya kapag kami na lamang dalawa ang magkasama.
Niyayakap ko na lamang sya at pinapatawa dahil ako na lamang ang kanyang sandigang.
Kapag umuuwi sya sa kanyang bahay ay sya na lang mag-isa dahil ang kanyang Nanay ay buong araw na nagtitinda sa palengke at ang Tatay nya ay wala na sa kanilang bahay at sumama na sa kanyang kabet.
Kung minsan ay sa bahay na lamang natutulog si may dahil nga ang kanyang Ina na lamang ang bumubuhay sa kanya kaya palagi itong Wala sa bahay nila at palaging mag-isa si May.
Kaya palagi ko syang pinapatawa at kinakausap para di sya masyadong malungkot at pag-isipan ang magpakimatay.
Isang araw nagulat na lamang kami na sumisigaw ang kanyang Nanay sa kanilang bahay.
Nanay ni may(pov)
May!! Ang anak ko.... Tulungan nyo ako!!. ang anak ko... May!! May!!.
Umiiyak ang Nanay nya habang nagsisigaw ng kanyang pangalan.
Kaya kinabahan ako sa sigaw ng kanyang nanay. Pilit kung sinasabi sa sarili ko na di to too ang kung ano ang nasa isip ko sa mga oras na iyun.
Kaya di ako malapit sa kanilang bahay kahit andun na si Mamang at Papang sa kanilang bahay at may umiiyak na at nagsisigawan na tinatawang ang pangalan ni May.
Umiiyak na ako dahil iisa na ang nasa isip ko kung ano ang nanyari kay may.
Kaya pinilit kung maglakad papunta bahay ni May.
Habang papalapit ako ay malakas ang kutob ko sa sarili ko kung ano ang tunay na nanyayari sa loon ng kanilang bahay.
Nang pumasok na ako sa kanilang bahay at maraming tao sa Kwarto ni may hanggang sa lumapit ako at pumasok sa kanyang kwarto at nakita ko si may nakabitin gamit ang kanyang kumot.
Di ako makapagsalita at tumutulo lang ang aking luha.
Sa subrang shock sa nanyari sa best friend ko.
Habang ang kanyang Ina ay naka luhod na umiiyak sa harap ng kanyang anak. At tumayo ng makita nya ako.
Niyakap ako ng kanyang Ina at nagsalita.
Nanay ni may(pov)
By!!! Wala na ang best friend mo!!. Wala na ang anak!!!. Anak!!..
Hanggang sa sumigaw ako sa pangalan nya habang hinahawakan ang kanyang paa.
May !! Diba sabi ko sayo na huwag mo akong Iwan..
Bakit ganito.. bakit mo to ginawa?
Ang tanong ko kay May na alam kung hindi na nya ako masasagot pa.
Hanggang sa dumating na ang mga pulis at ambulance at kinuha ang bangkay ni May at dinala sa hospital.
DOA ang sabi ng Doctor kaya dinala ang kanyang bangkay sa morgue.
Di ako makapaniwala sa nanyari kay May ilang araw akong umiiyak at ng huling araw bago ang kanyang libing ay dumating ang kanyang tatay.
Di sila ng kibuan mag-asawa pero alam ko na pinagsisihan ng tatay ni May ang nanyari sa kanyang anak.
Hanggang sa mailibing si May maraming tao ang pumunta at nakiramay sa kanya. Dahil sa subrang bait. Palakaibigan ay minahal sya ng mga tao.
Habang binubuksan ko ang package at nakita ang may laman ng subre at binuksan.
Death anniversary pala ni May at 10 year na pero masakit parin ang kanyang pagkawala.
Matagal na akong ng ta- trabaho bilang assistant manager sa isang pageant agency sa Maynila at kahit di ako maganda pero pinag patuloy ko parin pangarap ni May na kahit sa ganito alam kung kasama ko parin sya