Puno

576 Words
Unti- unti ng dumidilim ang aking paningin at naririnig ang maraming tao na nakapaligid sa akin. Marami sila at may dala- dalang mga trunk at may dalang chainsaw na syang pang putol sa aking katawang Puno. Bumabalik sa aking alaala ang mga nakaraan. Maganda ang sinag ni amang araw at maraming mga kaibigang hayop ang naka paligid sa akin, mga ibon na nakatungtung sa akin mga sanga. Tinitingala ko ang malalaking Puno na aking mga nakakatandang kapatid. Nagsasayawan sa hampas ng aming tito hangin masarap ang dala ng sinag ni amang araw. At ang inang daigdig ang sya namin kinakapitan. Minsan dinadalaw kami ng aming tita ulan may mga pasalubong syang nakakapawi ng aming uhaw. Palagi naman kaming dinadalaw ng dalawang magkaribal na sina umaga at si Gabi di sila magkasundo dahil kapag pumupunta si gabi ay umaalis si umaga kaya di sila nagkikita pero ganoong paman ay tanggap na namin. Masaya ang aming pamumuhay pero habang lumalaki ako ay palagi kong nakikita na unti- unting nawawala ang aking mga nakakatandang kapatid na mga Puno. Maraming mga tao ang dumadalaw sa amin bawat tao ay may dalang mga puno na kanilang pinuputol at dinadala pa-uwi. Kaya nagagalit si tita ulan dahil nga maraming kapatid Kong puno ang nawawala kaya Isang araw ay di napigilang ni titang ulan ang kanyang Galit bumuhos ang ulan at sinama pa si tito hangin. Pinalakas ang ulan at hangin kaya umapaw ang tubig sa mga dagat at tulay kaya nagkaroon ng mga baha sa ibat-ibang lugar. Kaya maraming mga tao ang nasa bubong ng kanilang tahanan, mga hayop na nawawala at namamatay. Wala na kasing mga Puno na magsisipsip ng tubig kaya madaling mapuno ang kanilang mga tulay at dagat. Kung minsan naman ay maraming mga hayop ang namamatay dahil sa mga basura ng mga tao kung saan-saan nila tinatapon tulad ng kanilang lumang gulong kaya minsan ang mga hayop ay isinusuot nila at ito ang nagiging sanhi ng kanilang kamatayan. May mga pabrikang tinatapon sa dagat ang kanilang basura na nagiging sanhi ng napakaruming tubig dagat kung minsan naman nakakain ito ng mga hayop na nakatira sa dagat. Unti-unti ng nagbabago ang panahon mas mainit na ang dala ni amang araw dahil nagiging manipis na ang ozone layer na nag pro protect sa daigdig. Kinakalbo nila ang mga bundok kung minsan pinapatag para matayuan ng nga mga gusali at mga bahay kaya nakakalungkot lang dahil ang mga kapatid Kong puno ang syang kinakawawa. Lahat naman ay ibinibigay namin, bunga kapag sila ay nagugutom, lilim kung sila naman ay naiinitan, katawang puno kapag wala silang bahay at higit sa lahat ang malinis na hangin na kanilang hinihinga. Kaya ngayong isang luha ang aking pinakawalan dahil unti-unti na akong nawawalang ng buhay dahil sa kagagawan ng mga illegal lagging. Inuubos nila ang mga Puno kahit maliliit pa ay hindi nila pinapalampas. Maraming mga trunk ang may mga lamang Puno na kanilang pinuputol at napapabayaan na ang mga lugar na walang puno. Paano na kaya ang mga buhay na naninirahan sa daigdig ngayon dahil sa pagkaputol ng mga puno ay nawawalang nang tirahan ang ibat-ibang klase ng hayop. Ang aking huling natanaw ay may naka usling maliit na puno sa aking ugat ang aking anak. Sana ay alagaan nila ito dahil simbolo ito ng panibagong pag-asa ang mga bagong usling puno. Upang maranasan din ng kanilang mga anak at apo ang malinis na tubig at hangin na syang pangunahin kailangang ng kanilang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD