Puso

1016 Words
Magkayakap kami ni Sister Rose na aking kinikilalang Ina, dahil sa wakas ay may mag- a ampon na sa akin. Lumaki ako sa bahay ampunan at ngayon araw na ito ay may matatawag na akong tunay na pamilya. Papalapit na ang mag-asawang aampon sa akin, habang ako ay nagpapaalam sa mga kasamahang ko sa bahay ampunan. Ako nga pala Miracle at sampung taon gulang na nakatira sa bahay ampunan ang sabi sa aking ni Sister Rose na nakita daw ako sa basurahan at nilalanggam na. Walang suot na kahit anong pagkakakilanlan ng aking mga magulang Mabuti lang may nagbabasura at nakita ako kaya agad na dinala sa hospital upang gamutin dahil nakakabit pa ang aking umbilical cord. Ng matapos na akong magpaalam sa kanila ay basang- basa na ang aking mukha sa pag-iiyak dahil ma mimiss ko silang lahat lalung- lalo na si Sister Rose minahal nya ako na parang tunay na anak. Marami akong natutunan sa kanya ang mapagmahal, maunawain, at higit sa lahat ang pagiging masunurin iyan lagi ang turo sa amin ni Sister Rose. Ng sumakay na ako sa kanilang sasakyan ay nakita ko silang umiiyak at subrang nadudurog ang aking puso sa nakikita. Kaya yumuko ako at umiyak nang umiyak habang niyayakap ako ng mag-asawang mag -aampon sa akin na sina mama Ubie at Papa boboy. Habang nasa daan ako ay naririnig ko ang kanilang usapan na dadalhin ako sa ibang Bansa at doon pag-aaralin bibigyan daw ako ng magandang buhay. Pero bago daw ako dalhin sa ibang bansa ay kailangang daw muna nilang ayusin ang mga documents na aking kinakailangang para maisama na sa ibang Bansa. Dinala muna nila ako sa isang bahay na mataas ang bakod at maraming mga bata ang naroon at naglalamahid ang kanilang mukha. Nang dumating nga ako ay maraming mga bata ang kanilang sinasaktan, pinapadapa at pinapalo kaya natakot at bigla akong kinabahan. Pinapunta ako sa kanilang harap at pinaikot-ikot ng kanilang leader at habang tinignan ang buo kung katawan at narinig ko na sinabing magandang bata ito. Habang ang iba nyan mga kasama ay pinipila ang mga bata na kanina lang ay umiiyak upang bigyan ng mga lata at pinaglilimos sa daan para perahan. Leader (pov) Malaki ang ating makukuha dito, napakalusog tamang-tama ito sa mag-asawang Chinese na nangangailangan ng donor. At sabay tawa silang lahat na tumawa at nakita ko rin na lumapit ang mag-asawa sa leader At binigyan sila ng subre sabay tingin ng mag-asawa sa laman ng subre at nagtawanan. Naguguluhan ako sa nanyayari kaya lumapit ako sa mag-asawang aampon sa akin. At tinanong kung ano ang nanyayari. Di nila ako pinapansin sa halip ay busy sila sa pag-iisip ng pera na ibinigay sa kanila. Kaya nagsimula na akong matakot at umiyak. Nilapitan ako ng Isang batang babae at pina punta sa mga batang kanina lang ay umiiyak at pina-upo sa kanila. Kaya tinanong ko sya kung ano ang nanyayari. Ang sabi nya sa akin ay nasa sindikato daw kami at Pini perahan ang mga bata, Pina palimos at ang iba ay binibinta sa mga dayuhan na nangangailangan ng donor. At isa ako sa ibebenta sa dayuhang Chinese dahil ang kanilang anak ay nangangailangan ng puso. Ng marinig ko ay para akong nalantang gulay dahil ang kukunin sa aking katawan ay ang aking puso ang ibig sabihin ay mamatay ako sa kanilang kamay. Ng maka-alis na ang mag-asawa ay naiwang ako sa sindikato at mga ilang araw din ang akong nandito at hinintay ang aking katapusan. Habang dumaan ang mga araw ay di ako makakain kaya pilit nilang ako pinapakain at tuwing gabi ako ay umiiyak. Ng dumating ang araw na ako ay ibebenta na sa mga dayuhan Chinese ay subra akong matamlay pero patuloy parin ang kanilang transaction upang ibenta ako. Ng dumating na ang mag-asawang Chinese ay nakita ko na umiiyak ang babaeng Chinese sa leader ng sindikato at may ibinigay na Isang itim na bag. Habang tinitignan ko ang babaeng Chinese ay naaawa ako sa kanya dahil sa kanyang anak ay kailangang nila itong gawin. Kaya napag-isipan ko na, siguro ito ang aking layunin na makapagbigay buhay sa Isang bata na mayroon magulang na nagmamahal at nag-aalala para sa kanya. Kaya tinanggap ko na ang aking kapalaran ang maka pagbigay buhay sa isang bata. Nang matapos na ang kanilang transaction ay isinama na ako ng mag-asawang Chinese sa ibang bansa. Hindi na ako umiiyak habang papunta na kami sa kanilang bansa ng bumaba na ako sa eroplano ay malungkot ako dahil naka punta na ako sa ibang bansa sa ganitong paraan. Papalapit na ako sa Hospital ng may tumawag sa kanila at habang ng uusap sila sa kanilang cellphone ay bigla nalang umiiyak ang babae at nagsisigaw kaya niyakap sya ng kanyang asawa habang pareho silang umiiyak. Ng dumating na kami ay agad silang tumakbo kaya napatakbo din ako sa kanila pumunta sila sa Isang kwarto at ng pumasok na sila ay bigla nalang lumuhod ang babaeng Chinese sa harap ng kanilang anak. Hindi ko maintindihan ang kanilang pag-uusap ngunit nakikita ko na niyayakap sya ng kanyang mga magulang. Umiiyak silang dalawa habang kinakausap ang kanilang anak habang ako ay tumitingin sa kanila at nilapitan ako ng babaeng Chinese at pinaharap sa kanilang anak na babae. Di ko mapigilang ang umiyak dahil naramdaman ko ang pagmamahal nila sa kanilang anak ngunit wala na itong buhay, di na nila naabutan pang buhay at namatay nang mag-isa ang kanilang anak. Habang nilalagay na nila ang abo ng kanilang anak sa cemetery ay nandoon din ako at kasama nilang dalawa dahil nga nag-iisang anak ang namatay ay napag desisyunan nila na ampunin na lamang ako. Makalipas ang 15 years ago ay nandito ako sa harap ng puntod ng kanilang anak dahil inampon ako ng mag-asawang Chinese at kasama ko sila sa pagpunta sa puntod ng kanilang anak na itinuturing ko rin kapatid. Binigyan nila ako ng magandang buhay at pinag-aaral kaya ngayon ay mayroon na akong magandang trabaho. At bubuo din ng Isang pamilya dahil Kasama ko ngayon ang aking nobyo na isa rin Chinese at ikakasal na sa susunod na buwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD