ISANG linggo muli ang lumipas, hindi na naman nagpapakita si Oscar sa kanya. Minsan iniisip ni Divina ma naka pinaglalaruan lamang siya ng asawa niya. Naikasal nga sila, 'di naman ito nagpapakita sa kanila. Ano pang silbi na ikinasal silla? Tila lutang si Divina habang nasa University. Walang ganang pumasok at nagbabaka-sakaling muling mapapadaan ang kanyang asawa. "Divina, hi! Uuwi ka na?" tanong ng isa sa mga kaklase niyang lalaki. Nilingon ni Divina ang kaklase. "Oo, e. Sige." Tatalikod na sana siya nang hinawakan siya sa braso ng lalaki. "Sandali," habol nito sa kanya. Napasulyap siya sa mukha ni Yesho. Ang kanyang kaklase na haft Korean. "Bakit?" tanong ni Divina, bumaba ang tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa braso niya. Tinanggal ni Yesho ang kamay niya at nangingiting n

