HINDI na pumasok sa university si Divina. Nag-drop out na siya sa lahat ng mga subjects niya. Inaayos na rin ni Ryder ang mga kailangan niya para sa bagong University na lilipatan niya. Nasa bahay lamang si Divina maghapon. Kahit na sobrang naiinip na siya ay pilit pa rin niyang pinapasigla ang sarili sa mga alaala noong magkasama sila ni Oscar. Ang sarap sariwain ng mga iyon. Gumagaan ang pakiramdam niya kapag naiisip na misis siya ni Dr. Oscar Easton Marasigan. At walang sinuman ang makakapagpalayo sa lanilang dalawa. Gagawin niya ang lahat para makasama si Oscar. Gabi at kasalukuyan siyang nakahiga. Tinititigan ang hawak na cellphone. Hindi pa siya nakakatanggap ng text o tawag mula kay Oscar bago sila maghiwalay kanina. Pero pagkatapos ay naputol na naman. Gusto niyang sabihan si O

