TUWANG-TUWA si Pacita na sinalubong ang dalawang apo. Pagkalipas ng halos limang oras na biyahe ay nakarating na sila sa probinsiya. Maghahapon na rin ng makarating sa bahay. Naitawag sa kanya ni Diane na titira pansamantala sina Devyn at Diane. Walang detalye na sinabi "Mga apo ko, salamat at dito kayo titira na dalawa. Namiss ko kayo," mangiyak-ngiyak na sabi ni Pacita at niyakap ng mahigpit ang dalawang apo. Nang bumitaw sila ay humarap sila sa lola nila. "Lola, si Lola Anding po?" hinanap ng matang tanong ni Devyn. "Nasa bukid ang lola mo. Alam mo naman na ito lang ang libangan naming dalawa. Ang magtanim sa bukid ng mga gulay. Nang may magawa kami at hindi mainip," sagot ni Pacita. "Halina kayo. Pumasok na kayo sa bahay. Siguro gutom na kayo," yakag niya at pumasok sila sa loob ng

