Chapter 4

1522 Words
PAGKATAPOS ng naging picnic nila ay inihatid ni Oscar sa private ward si Divina. "Masaya ka ba?" "Opo, Kuya Oscar," magiliw na sagot ni Divina. Gumanti ng matamis na ngiti ang binata. Nasa tapat sila nang pinto ng kuwarto ni Divina. "Magpapaalam na ako, Vina. Papasyalan kita bukas." "Salamat po. Mag iingat ka, kuya," ang saya kanina ay napalitan ng lumbay. Dahil ayaw ni Divina na malayo kay Oscar. Gusto niyang palagi itong kasama o nakikita. Kumamay si Oscar bago tumalikod kay Divina. Pinagmamasdan na lamang n'ya ang likuran ng papalayong si Oscar. Nag iba na ang pakikitungo ni Oscar kay Divina. Mas naging malambing ito at tutok sa pag aalaga sa kanya. Hindi masyadong tumatanggap ng ibang pasyente ang binatang doktor. Parang naging private doctor na niya si Oscar, tanging siya lamang ang sinusuri. Nagagalak ang bata pang puso ni Divina sa pagpapahalagang ipinapakita ni Oscar sa kanya. Mas lalo tuloy siyang nahuhulog sa binata. Pagkapasok ni Divina sa loob ng kuwarto niya ay nadatnan niya si Lola Anding na inaayos ang kanyang kama "Sinong may bigay ng bulaklak na 'yan sa 'yo, apo?" tanong ni Lola Anding sa kanya. Nahihiya siyang tumingin sa lola niya. "Galing po kay Kuya Oscar." Parang nag uusisa ang mga tingin ng matanda kay Divina. "Para saan naman ang bulaklak at tsokolate? Nanliligaw ba si Oscar sa 'yo, Divina?" Mabilis siyang umiling. "Napakalayo ng edad n'yong dalawa. At bilang lola mo sana ay hindi mo masaain itong sasabihin ko. 'Wag mong bigyan ng ibang kahulugan ang mga ibinibigay at ipinapakita ni Oscar sa 'yo na kabutihan. Nagmamagandang loob lamang siya sa 'yo. Ang tamang lalaking para sa 'yo ay ang ka-edad mo at magpareho kayo ng estado. 'Di ang katulad niya na mayaman na, ang laki pa ng agwat ng edad n'yo. Kaya kung anuman ang nararamdaman mo para sa binatang doktor na si Oscar habang maaga pa putulin mo na." Napayuko si Divina ng kanyang ulo. Pinipigilan niyang bumuhos ang kanyang mga luha. Nasaktan sa sinabi ni Lola Anding. Dahil ba sa mas bata siya at nasa gustong gulang na si Oscar ay hindi na siya nababagay sa kanya? Bata man ang edad niya marunong na rin siyang magmahal. Gusto niya si Oscar, iyon ang idinidikta ng kanyang puso at isip. Kabastusan kung sasagutin niya si Lola Anding. Tinuruan siya ng kapatid niya na hindi dapat sumasagot sa matatanda. "Bata pa naman po ako, 'la. Wala pa po sa isip ko ang mga ganyang bagay. Ang importante po sa akin ngayon ay ang gumaling ako. Tapos uuwi tayo ng Pilipinas para makasama sina ate at Lola Pacita," tugon ni Divina para lamang isipin ng lola niya na wala talaga siyang gusto kay Oscar. Pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay nasasaktan siya. Wala pa man ay hinuhusguhan na kung anong mayroon sa kanila ni Oscar. Susundin ba niya ang sinasabi ng lola niya sa kanya? Kaya niya kayang alisin ang pagmamahal na nabubuo sa puso niya para kay Oscar? "Ako'y nagpapaalala lamang sa 'yo. Ayoko rin na balang araw ay ipapahamak ka ng nararamdaman mo para kay Oscar. Hindi mo man aminin, ramdam ko. Dumating din ako sa edad mong ganyan at humanga rin." Sumang ayon si Divina kay Lola Anding. Hindi na niya dinugtungan ang sinabi ng lola niya para mahinto ang usapan nila tungkol kay Oscar. Ayaw niyang palalimin ang pinag uusapan nilang mag-lola tungkol sa pagmamahal. Buong maghapon na naging tahimik si Divina. Nag aalala na rin ang Lola Anding niya sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit tila tipid itong magsalita ngayon. Sa hapunan, parang walang gana si Divina kumain. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin ang mga sinabi ni Lola Anding. Kung ang lola niya ay ganoon na ang iniisip sa kanila ni Oscar, paano pa kaya ang mga taong nasa palogid nila? Tiyak na marami ang tataas ang kilay at manghuhusga. Paano niya pipigilan ang puso na hindi tumibok kay Oscar? "Divina, konti lang ang kinain mo. May gusto ka bang ipabiling pagkain?" Napalingon si Divina sa lola niya na inililigpit ang pinagkainan nila. "Wala po, lola." Napahinto si Anding at humarap sa kanyang apo. "Hindi pala pupunta si Oscar ngayon. Umuwi sa kanila. Baka maghintay ka. Ibinilin niya na sabihin ko raw sa 'yo." Para naman may kung ano sa dibdib niya at biglang nanamlay. Ang paalam ng binata ay aalis at bukas ay babalik para siya dalawin. Hindi nito nasabi sa kanya na hindi pala ito makakapunta bukas. "OSCAR, ISANG taon ka na r'to sa America minsanan ka na lang pumunta sa bahay. Ano bang pinagkakaabalahan mo?" tanong ni Oswaldo sa anak. Nag iisang anak nila ni Beatrice si Oscar. Ang tanging tagapagmana ng kanilang malalaking ospital sa Pilipinas at sa America. Napaangat ang tingin ni Beatrice sa anak. "You're dad is right, Oscar. Why don't you spend your weekend here? Bonding naman tayo. Baka mamaya bumalik na ulit sa Pilipinas," segunda ni Beatrice na may hinig ng pagtatampo sa boses. Sa America silang mag asawa naninirahan. Samantalang ang kanilang anak ay sa Pilipinas piniling tumira. Si Oscar din ang namamahala sa isang ospital nila. Habang dito sa America ay ang asawa niya. Pero dahil andito si Oscar ay ibinigay muna nito ang pamamahala sa binata. Napili ni Oswaldo na magpahinga pansamantala at makasama ang asawa. "Mom, alam niyo pong ang dami kong obligasyon sa ospital. Our hospital is one of the leading hospitals nowadays. Mahirap na pong pabayaan ang narating ng MDH," ang sagot ni Oscar. Ang totoo ay mayroon siyang pasyente na kailangan niyang tutukan bente kuwatro oras. Bukas ang kanyang palad sa mga taong naghihikahos sa buhay at walang pangbayad sa pagpapagamot. Katulad ni Divina na may malubhang sakit. Isang uri ng kanser sa dugo ang sakit ni Divina at nakakamatay. Ayaw niyang sapitin ang ganoong wakas ng bata. Masasayang ang magandang kinabukasan nito kung mawawala lamang sa mundo si Divina. Iyon nga lang ba, Dr. Oscar Easton Marasigan? "But please come home once a week. Gusto kitang makasama, hijo. Matanda na rin kami ng daddy mo. Masyado akong nag iisip sa 'yo, nakakatampo na ang nag iisa naming anak ay ayaw kaming kasama. Kung ayaw mo namang palagi kitang kinukulit, mag asawa ka na. Nang magkaroon ka rin ng sariling anak na iiwan mo r'to da bahay. Sana nga maisipan mo ng mag asawa. Thirty ka na, kailan mo ba balak na mag asawa?" tanong ng mommy ni Oscar. Masyadong dedicated sa trabaho si Oscar. Kaya nakakalimutan na nito ang sarili. He has previous past relationships. Ang huli ay matagal tagal na rin. Lahat sila hindi nag-work. Nagmahal siya pero ulit hindi naman siya ang gusto. Dahil sa pagkabigo ay naiba ata ang hinahanap niya ngayon sa isang babae. "Dadating din po tayo d'yan. Tsaka hindi ko pa po nakikita ang babaeng gusto kong iharap sa inyo. Masyado po akong maraming ginagawa sa ospital para pumasok sa bagong relasyon. Paano na lamang ang mga pasyente ko?" saad na sagot ni Oscar. Napailing iling ng ulo si Beatrice saka bumaling ng tingin sa asawa. Tinanguan lamang siya nito bilang tugon. "Hon, hayaan mo na muna si Oscar sa gusto n'ya. Baka mamaya gulatin na lang tayo ng anak mo, may inuuwian na palang babae," ani ni Oswaldo. Tila nasamid si Oscar dahil sa narinig mula sa ama. Mabilis na inabot ng mommy niya ang baso na may lamang tubig. Nang makainom ng tubig ay ibinaba niya agad ang baso. "Magdahan dahan ka nga sa mga sinasabi mo, Oswaldo. Nasamid tuloy si Oscar." Halata ang galit sa mukha ni Beatrice para sa asawa. "Mom, I'm okay. Masyado niyo naman po akong bine-baby." Napangiti si Beatrice at magaang hinaplos ang pisngi ng anak. "You're always my baby. Nag iisa ka lang na anak namin ng daddy mo, Oscar." "Hon, he's thirty years old. Nakakahiya sa mga makakita sa ginagawa mo kay Oscar," saway ni Oscar sa asawa. "Huwag mo nga akong pakialaman, Oswaldo. Sa baby ko naman talaga itong anak natin. Natural na sa kanya ko lang ibubuhos ang aking pag aalaga at pagmamahal." Napabunting-hininga si Oscar. Mukhang mag aaway pa ata ang mga magulang niya. Nasa harpaan sila ng pagkain pero nagtatalo ang mga ito. "Let's stop this topic, mom and dad." Ibinaba ni Oscar ang kubyertos at tumayo. "I'm leaving. May pasyente ako bukas na naghihintay sa akin." Napaamang si Beatrice. "Akala ko rito ka matutulog sa bahay. Why sudden change?" "Mom, you know why." Masamang tinapunan ng tingin ni Beatrice ang asawa niya. "Dito ka na matulog, Oscar. Bukas ka na ng umaga umalis." "I'm sorry, dad. I better leave now. Ayokong marinig na nag aaway na naman kayo ni mommy. Everything na uuwi ako, palagi na lamang nakikita ko kayong nagtatalo." Beatrice heaved a sigh. "It's my fault, son. Please, stay here for more minutes." Napabuga ng hangin si Oscar. Hindi niya matanggihan ang ina sa tuwing nagmamakaawa ito. Muling umupo si Oscar. "Tonight only. Bukas aalis din po ako agad," ang sabi ni Oscar. Pinagbigyan lang niya ang ina sa pakiusap nito sa kanya. Biglang lumiwanag ang mukha ni Beatrice. "Thanks, hijo." Napilitang tumango si Oscar saka ngumiti sa ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD