LUMIPAS pa ang limang buwan. Unti unti ng bumubuti ang kalagayan ni Divina. Ang laki na ng ipinagbago niya dahil iyon lahat. Sa tulong ni Oscar sa kanyang pagpapagamot. Ang bawat araw ni Divina ay napakasaya. Lalo ngayon na mas napapalapit sila sa isa't isa ni Oscar. Naging mabait na pasyente siya sa binata. Lahat ng sinasabi nitong bilin ay sinusunod niya.
"I have a good news for you," masayang bungad na sabi ni Doc. Oscar, isang umaga nang dinalaw siya nito.
Nasa Pilipinas na si Dr. Nick. Si Lola Anding ay sumama rin pauwi ng Pilipinas. Na-homesick ang lola niya kaya nagpasyang umuwi ito. Dadalo rin ito sa birthday ni Baby Wenna. Sila na lamang dalawa ng binata ang magkasama sa America. Masaya siyang hindi siya pinababayaan ng binata.
"Ano 'yon, Kuya Oscar?" nasasabik niyang tanong habang nakatingin sa mukha nito.
"We found your match. And guess what, bukas na bukas din ay gagawin ang transplant mo. Tuloy na talaga ang bone marrow transplant mo! Di ba magandang balita iyon?"
Kita sa mukha ni Oscar ang sobrang galak. Nagtatalon pa ito at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay niyakap siya nito.
Naestatwa si Divina at hindi nakakilos. Nang parang naramdaman ni Oscar ang pagkabigla niya ay bigla siyang pinakawalan.
"Sorry. I'm just happy na masasalinan ka na ng healthy stem cell. Magiging normal na muil ang buhay mo pagkatapos ng operasyon mo. At natatakot na ako ngayon na baka makalimutan mo ako 'pag gumaling ka na," biglang lumungkot ang masayang mukha nito. Uuwi na ito ng Pilipinas, maiiwan siya. At magkakaroon ng sariling buhay si Divina kasama ang ibang mga kaibigan.
Kahit siya ay tuwang tuwa na pagkatapos ng operasyon niya ay gagaling na siya. Pero ang iniisip nito ay malabong mangyari. Hindi niya makakalimutan si Oscar. Kahit nga nakapikit ang mga mata ang binata lamang ang tumatakbo sa kanyang isipan.
"Bakit naman kita makakalimutan? Siguro kapag nagka-amnesia ako. Doon ka makakalimutan ng isip ko. Pero hindi ng puso ko, kuya," sinserong turan ni Divina. Napatitig sa mukha ni Oscar. Sinalubong ngcbinata ang titig ni Divina. Pero nagbawi rij agad ang binata ng tingin.
Umiling iling ng ulo si Oscar. "May posibilidad pa rin na makalimutan mo nga ako, Vina," nalulungkot pa din na sambit nito habang umuupo sa tabi niya. Nasasanay na siyang tawagin ang dalaga ng Vina. Siya lamang ang may karapatan na tumawag sa dalaga sa ganoong pangalan.
"Hindi nga mangyayari iyon. Napakalaki ng utang na loob ko sa 'yo, sa pangalawang buhay ko na ito. Kung bakit ako gumaling at naging malakas. Ikaw ang naging dahilan sa lahat ng ito, kuya. Mababagok ang ulo ko pero, sa puso ko. Andoon ka, maalala pa kita."
Si Oscar ang lahat ng rason kung bakit siya gumaling at mamuhay ng normal. Ang pangarap niyang makapag aral ay matutupad na. Magkaroon ng maraming kaibigan at pumunta sa iba't ibang lugar. Lahat iyon ay magagawa niya sa oras na gumaling siya.
Unti unting lumiwanag ang mukha ng ni Oscar. Ginagap nito ang kamay niya habang pareho silang nakasandal sa heaxboard ng kama.
Napatitig siya sa kamay nilang dalawa. Saka umangat ang tingin sa lalaking katabi. Hindi ito makatingin sa kanya ng diretso. Pero ramdam niya ang pintig ng puso nito. Ang bilis na animo'y hinahabol. Kaya hinawakan niya ang dibdib niya, sa tapat ng puso. Napangiti siya na pareho sila ng nararamdaman.
Kinabukasan. Araw ng transplant ni Divina. Hindi niya alam kung sino ang nagdonate ng bone marrow. Ayaw magpakilala ang taong nagdonate sa kanya ng bone marrow. Pero ang laki ng pasasalamat niya sa taong iyon.
"Be strong, baby girl. Andito lang ako para sa 'yo. Hindi ako aalis dito, palagi sa tabi mo," madamdaming sabi ni Oscar sa kanya. At pagpapalakas ng loob ni Divina para lumaban.
Tumango si Divina kay Oscar at saka ngumiti ng matamis. Natatakot man siya sa kahihinatnan ng kanyang transplant. Masaya naman siya dahil sa pangako ni Oscar sa kanya. Hindi siya iiwanan nito, palaging nasa tabi niya ang binata naka agapay. Kontento na si Divina, naipaparamdam pa rin niya ang pagmamahal kahit na hindi nito alam.
Hinaplos niya ang pisngi niya at kinintalan ng halik sa noo.
"Dr. Oscar, the bone marrow transplant will start at any moment," dinig niyang sabi ng isa pang doktor kay Oscar.
"For a second, please." Tumunghay si Oscar kay Divina. Puno ng pag aalalang mababakas sa mukha nito.
"Kinakabahan ako, kuya," sambit niya dito. Balisa siya na natatakot sa kahihinatnan. Ang daming tumatakbo sa isipan niya. Paano kung hindi maging successful ang bone marrow transplant? Guguho ang lahat ng pangarap niya at plano sa buhay. Baka mawala sa kanya ang nag iisang nagpapabilis ng t***k ng puso niya.
"Huwag kang kabahan. Ganito, kapag kinakabahan ka. Isipin mong kasama mo ako tapos hawak ko ang kamay mo. Palaging nakatingin sa 'yo. Siguro naman hindi ka na kakabahan."
Nakagat ni Divina ang iba ang labi niya. Pilit niyang itinatago ang kilig.
"Sige po, kuya."
Binalingan ni Oscar ang babaeng diktora. "Dra. Irish, you can send her inside."
Itinaas ni Divina ang kamay niya. Hinuli ni Oscar ang kamay niya at mahigpit na hinawakan. Parang ayaw na niyang bitawan ito. Habang ipinapasok ang dalaga sa loob ay hawak pa rin niya ang kamay ng binata. Lumabas si Oscar pero bago ito lumabas ay kinintalan ng halik sa noo si Divina. Napapikit si Divina ng kanyang mga mata.
Umabot lang ng dalawang oras ang procedure ng bone marrow transplant kay Divina.
Nakatulog si Divina at nagising na nasa loob na ng kanyang kuwarto. Habang siinasalinan siya ng healthy na dugo mula sa magdonate ng bone marrow. Ginising lang siya pagkatapos ng procedure. Pagkamulat na pagkamulat ng kanyang mata ay mukha agad ni Oscar ang nasilayan niya. Nanubig ang kanyang mata. Isa sa dahilan kaya gusto niyang lumaban sa sakit niya.
Nakangiting naglakad palapit sa kanya ang nag aalalang mukha ni Oscar. Marahang hinaplos ang kanyang pisngi.
"Kumusta ang pakiramdam mo, baby?"
Napapikit ng kanyang mata si Divina. Nang maramdaman ang mainit na haplos ni Oscar. Nagmulat siya ng kanyang mata ay matamis ang ngiti na iginawad niya sa binata.
"Okay lang po ako, kuya."
Ngumiti sa kanya si Oscar. "Good girl. For a week kang sasalinan ng dugo. Alam kong magiging mas mahirap ito para sa 'yo. But don't you worry. I will take care of you and will never leave by your side."
NAGTULOY TULOY ang chemo at radiation ni Divina. Kahit na nasalinan na siya ng healthy na dugo at platelet. Dapat ay masigurong mamatay na ang kanser sa dugo niya. Nang tuluyan na siyang gumaling.
Pagkaraan ng halos isang taong chemo ay tuluyan na ngang gumaling si Divina. Humaba na ang buhok nito. At bumalik na ang dating kulay ng balat niya. Muling lumitaw ang angking ganda ni Divina.
"Ate Diane, magaling na ako! Sabi ni Kuya Oscar cancer free na ako!" masaya niyang balita sa kapatid. Mas malakas na ang pakiramdam niya ngayon kumpara noon.
Nasa tabi ni Divina si Oscar habang ibinabalita ang napakagandang balita sa kapatid.
"Wow! Salamat sa Diyos at magaling ka na. Masayang masaya kami ng Ate Devyn mo." Binalingan ni Diane si Oscar sa tabi niya. "Maraming salamat, Oscar. Sa lahat ng tulong mo. Pati na rin sa pag aalaga mo sa kapatid ko."
"Don't mention it. Trabaho naming dugtungan ang buhay ng mga tao. Saka mabait na pasyente ito si Vina. Hindi siya sakit ng ulo ko. Lahat ng mga sinasabi ko sa kanya ay sinusunod niya," sabi ni Oscar.
"Naku, ate. Sobrang istrikto ni kuya," sabay na sumbong niya.
Parehong natawa sina Diane at Oscar.
"Congratulations pala sa new baby mo, Diane. Nabiyayaan na rin kayo ng anak ni Ryder," bati ni Oscar kay Diane.
Natuon ang tingin ni Divina sa mga mata ng binata. May konting kirot pa rin siyang nakikita sa mga mata nito.
"Salamat. Ito two months palang ang tiyan ko ngayon. Wished ko na sana ay matagpuan mo na rin ang babaeng mamahalin mo d'yan sa America."
Mapait na ngumiti si Oscar at tumango ng ulo.
Tahimik lang na nakikinig si Divina sa usapan ng kapatid niya at ng binata.
"Si Ate Devyn po. Gusto ko siyang makausap," sabat na tanong niya. Inililihis na lumalim ang usapan ng dalawa tungkol sa kanilang nakaraan.
"Busy si Devyn sa trabaho niya. Hayaan mo sasabihin ko na tumawag ka. Saka sasabihin ko din sa kanya ang magandang balita," nakangiting sagot ni Diane.
Natapos ang pakikipag-usap niya sa ate niya. Nakabed rest ito dahil maselan ang pagbubuntis.
Napansin ni Divina ang pagiging tahimik ni Oscar. "Kuya, okay ka lang?"
"Ha? O-Oo naman," ramdam niyang pilit lang nitong pinasisigla ang boses.
"Parang hindi."
"Kalimutan mo na ang nararamdaman ko. Mawawala rin ang sakit," wikang amin ni Oscar.
Tama ang nakikita niyang nasasaktan pa rin ang binata sa tuwing makikita at mapag uusapan ang Ate Diane niya. Mukhang hindi pa na kakalimutan ng binata ang kapatid niya.
"Bakit hindi ka tumitingin sa paligid mo, kuya? Dahil sa naka-focus lang ang isip at mata mo sa isang tao. Hindi mo tuloy nakikita ba may isang taong sobrang nagmamahal sa 'yo," pahaging na sabi niya.
Natawa lang si Oscar sa kanya. At hindi sineryoso ang sinabi niya.
"Goodluck na lang kung napansin ko siya."
Mataman niyang tinitigan ang mukha ng binata. Sobrang manhid nito na hindi siya napapansin.
"Andito lang ako, Oscar. Sa tabi mo, pansinin mo naman ako," bulalas ni Divina sa isip.