Chapter 6

2016 Words
PAGKALIPAS ng mahigit isa't kalahating taon, gumaling na sa sakit na leukemia si Divina. Malaya ng naninirahan sa America kasama si Doc. Oscar. May normal na buhay pero hindi ganoon kasing kaya noon. Dahil 'di naman siya kayang mahalin ng lalaking mahal niya. "Yeah! Let's party! Party!" ang malalakas na sigaw ni Divina habang nagtatalon sa dance floor ng bar. Hakab na hakab sa balingkinitan niyang katawan ang suot na kulay itim na party dress. Litaw din ang kanyang masutlang balat. Kaya maraming lalaki ang napapatingin sa kanya. Ang swerte ng kasayaw niyang lalaki na nasa likuran niya. Sobrang gaslaw ng mga galaw nito. Tinapik Rechel sa balikan si Zen. "Tingnan mo ang lola mo. Lasing na. Sunduin mo na r'on. Baka kung saan pa hilahin ng maskuladong kasayaw niya." Sinundan ni Zen ng tingin ang itinuturo ng tingin ni Rechel. Magkatabi silang nakaupo at nanonood lamang kay Divina na nagwawala sa dance floor. Parang sinapian dahil sa hayok sa pagsasayaw. "Hayaan mo s'ya. Ilang taon din 'yan naburyo si Divina sa loob ng ospital? Limang taon, hindi ko ata matatanggap na ang beauty ko na nasa apat na sulok lamang ng kuwarto ko. Sayang ang beauty ko! Marami pa naman ang umaasam sa kagandahan ko." Hindi mawari ni Rechel kung tatawa ba siya o dadagukan niya ang kaibigan para naman matauhan. "Iba ka, Zen, kay Divina. Si Divina noon, bata pa at inosente. Kaya niyang magkulong sa kuwarto niya, isa pa may sakit siya. Ikaw naman malandi, puro lalaki ang nasa utak mo," ang pang aasar na sabi ni Rechel. Napairap si Zen sa tinuran ni Rechel. "Ah, basta. Kahit ano pa ang sabihin mo. Let her do what she wants. She is now enjoying her life, free as a bird. Di ba, ang saya 'non?" Umikot ang mata ni Rechel sa tinuran ni Zen. Hindi niya talaga gusto ang ganitong pagpunta punta sa bar. Bukod sa maingay at madilim, amoy sigarilyo at chico ang paligid. Napilit lang siya ni Divina na sumama sa bar. Hindi naman niya mahindian 'pag kaibigan na niya ang nakiusap. Hindi lingid sa mga kaibigan ni Divina ang mga nangyari sa kanya noong nagkasakit siya. At paano siya nakarating sa America. Nabigyan siya ng pagkakataon na mabigyan ng American citizenship sa tulong na rin ni Oscar. Kaya nag aral at tumira siya kasama ng kanyang kunwariang kapatid. Batid naman ng lahat na walang dugong nanalaytay sa kanila ni Oscar. Dahil sa laki nang agwat sa edad nila ng binata ay itinuring siyang nakababatang kapatid nito. Katwiran nga nito wala siyang kapatid at nag iisang anak lamang siya. Malakas na hinampas ni Rechel si Zen. Napadaing naman ito sa sakit nang pagkakahataw ng kaibigan sa balikat niya. "Ikaw! Kapag may nangyari d'yan, ikaw ang mananagot sa kuya n'yan. Alam mong super protective si Kuya Oscar sa precious baby sister niya. Kahit ata lamok ay mahihiyang dumapo sa fake sister niya dahil sa pagiging super sa pagkaover protective ni Dr. Oscar Marasigan." OA na rin minsan si Oscar kung protektahan si Divina. Wala rin naman silang magawa dahil ang binata na ang naging guardian ni Divina simula noong tumuntong sa America. "Gaga! Tinalo mo pa ako. Linya ko dapat 'yan! Tatawagin ko na si Divina at baka nga magalit si daddy doc sa 'kin." Nakagat na lamang ni Rechel ang pang ibabang labi niya. Pinipigilan ang malakas na tawa. Nakasiksik ang ulo ni Divina sa dibdib ni Zen habang buhat siya nito. Si Rechel naman ay nakasunod lamang sa mga kaibigan. "Ano ka ba! Ang bigat bigat mo, Divina. Ang liit ng katawan mo tapos ang bigat mo. Ilang kilo ba ang kinakain mong kanin araw araw?" Naiiritang reklamo ni Zen sa kaibigan. Sa ayos niya na nakared lipstick ay magbubuhat pala siya ng lasing na kaibigan. Nasa tapat na sila ng bahay nina Divina at Oscar. Lasing na lasing si Divina kaya hindi na nito kayang umuwi at magdrive ng kotse. "Huwag ka ng magreklamo. Sa ating dalawa dapat Ikaw ang bubuhat kay Divina. Dahil ikaw abg may lawit!" Masamang tingin ang ipinukol ni Zen kay Rechel dahil sa tinuran nito. Eh, ano kung may lawit siya? Para sa kanya isa siyang magandang sirena na may katawang lalaki. "Huwag kayong magtalo na dalawa. Kaya ko na 'to. Magsiuwi na kayo. Bahay ko na ang nasa harapan natin, oh," sisinok sinok na sabi ni Divina. "Gising ka na pala," ani Zen. "Yes. Kaya ibaba mo na ako," tugon ni Divina. Ibinaba nga siya ni Zen. "Sigurado kang kaya mo ng maglakad papasok sa loob ng bahay niyo na mag isa?" tanong ni Rechel. Sinisiguradong safe pa rin si Divina. Sa ayos ng kaibigan niya ngayon, tiyak siyang mapapagalitan na naman ni Oscar. Nagthumbs up si Divina habang pipikit pikit ng kanyang mata. At tumango tango si Divina. "It's okay. Sige na, umuwi na kayo. Makikita niyo la ang masungit kong kapatid." Natutop ni Divina ang bibig saka humagikhik. "Fake brother kamo," ani Rechel. "Whatever. Umuwi na kayo," taboy ni Divina sa mga kaibigan. "Ipapakuha ko na lang ang kotse mo bukas ng umaga, bruha," sabi naman ni Zen. "Thank you. Hulog kayo ni Rechel ng langit sa akin," nakangising turan ni Divina. Napairap si Zen habang si Rechel ay napangiwi. "May magagawa pa ba kami. Babush! Ikuwento mo bukas ang magaganap sa inyo ni daddy," saad ni Zen at hinalikan si Divina sa pisngi. Sumunod na niyakap siya ni Rechel. "Mag iingat kayo sa pag uwi," kumaway pa ng pamamaalam si Divina sa kanyang mga kaibigan. Napabuntong-hininga siya. Tsaka humarap sa bahay. Yes, their house. At nakatira sila bilang magkapatid, walang malisya kay Oscar. Ngunit kay Divina, hindi niya kapatid ang binatang doktor. Umalis at iniwan si Divina ng mga kaibigan niya. Dahan dahan lang siyang naglalakad papalapit sa bahay nila ni Oscar. Baka matimbuwang siya dahil hindi na talaga diretso ang lakad niya. "Where did you go? Inumaga ka na naman ng uwi, Divina! At amoy alak ka!" singhal na bungad ni Oscar sa dalaga. Pagkabukas ni Divina ng pinto ay nabugaran niya si Oscar na nakaupo sa sopa at prenteng naghihintay sa kanyang pag uwi Inaasahan niya itong wala sa bahay. Kaya nag-bar siya kasama ng mga kaibigan niya. "I'm just having fun with my friends. Masama ba 'yon? Tsaka, see I come home safe naman. So, you don't have to worry. Umaga man ako umuwi," kaswal na sagot niya. Halos hindi na niya nirerespeto si Oscar. Kung makipag usap ay parang kakilala lang sa may kanto. Napatiim ng bagang si Oscar. "You're wasted! Ipinagmamalaki mo sa aking umuwi ka pero lasing. Bakit ka ba nagkakaganyan? Hindi na kita kilala, Vina! Gumaling ka lang naging ganyan ka na! You're acting like a b***h in a bar! And please stop being so hardheaded! Baka hindi ako makapagtimpi sa 'yo! Kuya mo ako pero wala kang respeto sa 'kin." Tama ba ang dinig niya? Tinawag na siyang b***h, matigas pa daw ang ulo niya. Napangisi si Divina. "Huwag kang magmaang maangan na hindi mo alam! Don't blame me why I'm acting like this! At alam na alam mong hindi tayo magkapatid, 'di kita ituturing na kapatid kailanman, Oscar!" galit din na sagot sa kanya ni Divina at mabilis na umakyat papunta sa taas, sa kuwarto ng dalaga. Napakuyom ng kamao ni Oscar na nakatanaw sa dinaanan ni Divina. UMAGA ng magising si Divina. Masakit ang ulo niya at may hang over. Sa dami ng ininom niya, sasakitan talaga siya ng ulo. Parang wala bukas kung uminom ng alak. At nakipagtalo pa siya kay Oscar. Nakakabad trip na gabi. Napasinghap si Divina nang walang katok katok na pumasok na lang bigla si Oscar sa kuwarto niya. "Bumangon ka na d'yan, young lady. I already prepared your breakfast at inumin mo ang gamot sa sakit ng ulo. Ipinatong ko sa lamesita," bungad na utos ni Oscar sa kanya. Binubuksan nito ang kurtina sa bintana. "Hindi ka ba papasok sa university?" Umupo siya sa kama niya na hinihilot ang sintido. "Hindi ako papasok." Narinig niya ang pagpapakawala ng buntong-hininga ni Oscar. "Pinababayaan mo na ang pag aaral mo, baby girl. Vina, I really don't know what I will do to you. Maybe you want to go home in the Philippines," panenermon ni Oscar. Dumilim ang mukha niya ng marinig ang huling tinuran nito. "Can you stop calling me baby girl?! I'm already eighteen at hindi mo na ako kailangan itratong bata! And I will never leave you here!" "Yeah. Eighteen ka na nga. But you are still acting like a kid! See what you are doing to yourself! Napakalayo sa Divina na kilala ko. Dahil sa mga ikinikilos mo," mga bulyaw din nitong saad sa kanya. Umagang umaga na mag aaway na naman silang dalawa. Parang wala ng katapusan ang away nilang ito. 'Di rin siya tinitigilan ni Oscar ng panenermon. "Dahil kasalanan mo! Kung sana, you treat me as your woman! Ipinadama mo sana na kaya mo rin akong mahalin. 'Di sana ako nagkakaganito! I really want you to love me and not to treat me as your sister!" sumbat niyang sigaw. Nagrebelde siya. Inamin niya ang nararamdaman para kay Oscar. And guess what, ni-reject siya ni Oscar. Ang sabi nito ay hindi sila puwede dahil bata pa siya. Hindi siya ang tamang lalaki para sa edad niya. Paulit ulit niyang naririnig ang bawat salitang sinabi nito sa kanya. Pakiramdam niya hindi siya magiging tamang babae para kay Oscar. Siya, hindi nagbago ang nararamdaman para kay Oscar. Mas lalo pa nga niyang minahal ang binatang doktor. Gusto lang niyang ipakita na kaya na niya ang sarili niya at hindi na siya bata. Nagmamahal at puwede ring mahalin pabalik. Sa gayon, makita niyang karapat dapat din siyang mahalin nito. "If you will still act like that! I will never love you! Because for me, you're my sister! And that's it! Iyon lang, Divina, ang pagtingin ko para sa 'yo. So now, take a bath and go down. Hihintayin kita sa dining area." Pagsabi niyon ay tinalikuran siya ni Oscar at walang paalam na lumabas ng kuwarto niya. Mabilis na dinampot ni Divina ang unan at malakas na ibinato sa pintuan. "f**k!" Padabog na bumaba siya ng kama niya at dumiretso ng banyo. Pagkatapos maligo at makapagbihis ng pambahay ay bumaba na siya. Alam niyang naiinip na si Oscar sa paghihintay sa kanya. Naabutan niya si Oscar, inip na inip dahil sa kanina pa naghihintay sa kanya. Halos inabot yata siya ng isang oras sa paliligo. Nag effort pa siya sa pag aayos. Tiningnan siya ni Oscar mula ulo hanggang paa. Tsaka napailing ng ulo. "What kind of dress is that? Sana naghubad ka na lang," iritadong komento ng binata sa damit niya. "What's wrong with my dress?" she asked. She is wearing short-short shorts and a spagetti strap blouse. Konting yuko ay makikita na ang kaluluwa niya. Because she is not wearing a bra either. Kaya halata ang u***g niya sa blouse. Kapag nasa bahay si Divina ay ganito ang madalas na isuot niya. Bukod sa presko ay napapansin siya ni Oscar. "Hindi ko gusto ang pananamit mo at lalong hindi kita gusto! Ayoko rin makipagtalo sa 'yo. Dahil nasa harapan tayo ng pagkain. If you want to do what you want, just do it! I don't f*****g care! Now, sit down and let's eat," sagot nito sa kanya na tumaas ang boses. Hindi na tin maipinta ang mukha nito. At halos ayaw na siyang tignan. "I don't care, daw. Pero katatanong lang kung ano ang suot ko. Bipolar siguro ito," saka bumuntong-hininga siya. "Parang gusto kong pagsisihan na gusto kita, Dr. Oscar Marasigan," dagdag niyang usal sa isip. Tahimik silang kumakain. Tunog lang ng kubyertos ang naririnig sa buong dining. Matagal na silang nagsasama sa iisang bubong. Pero bilang kapatid, ang turing ni Oscar sa kanya. How she wished na sana mas malalim pa toon ang turing sa kanya ng binata. That is why she changed a lot. Gusto niyang mapansin siya ng binata. Hindi iyong dating Divina na sixteen years old na maysakit na kailangan ng pag aalaga. Kundi isang babaeng puwedeng mahalin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD