SA UNIVERSITY, walang gana si Divina na naglalakad sa hallway ng university. Napilitan lang siyang pumasok dahil sa buyo ni Oscar. Sobra na ang mga pagtatalo nila at pag aaway sa araw araw. Wala silang katahimikan sa bahay nila.
Hindi nga niya maintindihan kung bakit hindi pa ito umuuwi sa Pilipinas. 'Di sana walang nagdidikta ng kanyang mga ginagawa. At malaya niyang nagagawa ang lahat ng gusto niya. Kahit kailan hindi natuwa si Oscar sa kanya. Ramdam niya ang kawalang pakialam nito sa kanya. Sadya sigurong balewala siya sa binata. Pati na ang nararamdaman niya para sa binata.
Napakahirap talaga para kay Oscar na mahalin siya. Kulang ang lahat ng ginagawa niya para mapansin siya nito. Siguro dapat na siyang mag-level up. Baguhin niya ang strategy para makuha ang binatang doktor.
"Divina!" sigaw na tawag ni Rechel. Isa ito sa mga malalapit niyang kaibigan sa university. Rechel Marlin, may dugong pinay na kasamang naninirahan ang pamilya sa America.
Napahinto siya sa paglalakad ng marinig ang malakas na sigaw nito sa pangalan niya. Nilingon niya ang kaibigan niya sa kanyang likuran.
"Rechel, bakit?"
"Sasali ka ba sa Miss Campus?" tanong ni Rechel sa kanya.
Tumaas ang isang kilay ni Divina. Wala siyang oras para sumali sa isang cheap at maliit na beauty pagent. Magsasayang lang siya ng oras para r'on. 'Di rin siya mahilig na sumali sa mga ganoong klaseng contest.
"Pag-iisipan ko pa, Rechel. Saka busy ako," walang interes na sagot niya at nagpatuloy sa paglalakad. Hinabol siya ni Rechel.
"Divina, ikaw lang ang pambato natin. Ikaw ang pinakamatunog na kandidata. Isa pa baka nakakalimutan mong kasali si Dr. Oscar Marasigan sa mga judges. It's your time to shine. Malay mo maging daan ang Miss Campus para mapansin ka ng king mo. When you become the queen of the campus." Tumaas taas ang kilay ni Rechel na nagyayabang habang malawak na nakangiti.
Natigilan si Divina at napaisip.
"Puwede. But I don't think that is a good idea. Kilala ko si Oscar at sinabi na niyang hindi niya ako kayang mahalin. 'Di niya ako magagawang magustuhan. Kahit ano pa ang gawin ko. Maghubad man ako sa harapan niya wala pa rin siyang pakialam sa 'kin. Narinig mo ba, Rechel? Wala siyang pakialam sa akin," saad niya.
Hindi na katulad si Oscar 'nong naging doktor niya ang binata. Ang pagmamahal nito para sa kanya ay bilang kapatid lamang. Galing na mismo iyon sa bibig ni Oscar. Masasayang lang ang effort niyang magpapansin sa binata. Masasaktan lang siya sa paulit ulit na pananakit ni Oscar ng kalooban niya.
'Di niya malaman kung ano pa ang kulang sa kanya hindi magustuhan ni Oscar. Maraming lalaki ang umaaligid sa kanya pero 'di niya pinapansin ang mga iyon. Si Oscar pa rin ang tanging gusto niya at wala ng iba.
"Hindi ka na puwedeng umayaw. Inilista ka na nina Zen at Mich. Kaya maghanda ka na mamayang gabi. The Miss Campus pagent will start at 8 o'clock tonight. You don't need to worry sa mga susuotin mo dahil naayos na naming lahat. Just be present and be beautiful. We are hoping for the crown. Ikaw kaya ang nangunguna sa listahan ng mga kandidata."
Angat ang ganda ni Divina na hindi magpapahuli sa kanyang mga kapatid. She has long-legged and white complex skin. Kumikinang sa sobrang kinis at lambot. Puwedeng puwede talaga siyang maging beauty queen.
Napaawang ang labi ni Divina. Bakit pa siya tinanong kung tapos na pala siyang ilista? Pala-desisyon din ang mga kaibigan niya sa kanya.
What the heck?!
"Whatever. I have to go, Rechel. May klase pa ako," paalam niya sa kaibigan saka naglakad palayo. Eh, ano kung malaki ang pag asa niyang manalo? Aanhin niya ang korona. Kung hindi pa rin naman niya makukuha ang puso ni Oscar.
"Alright. I will see you tonight sa auditorium!" pahabol na sigaw sa kanya ni Rechel. Sumulyap siya sa kanyang likuran saka napakibit ng balikat.
Napabuga siya ng hangin. Saka diretso nang pumunta sa building ng BM.
May magagawa pa ba siya? Wala na siyang choice kun'di ang pumunta sa pagent mamaya. Labas man sa kanyang kalooban ang pagsali.
AT MARASIGAN DOCTOR'S Hospital. Alas onse ng umaga. Nasa opisina niya si Oscar at iniisip ang mga nangyayari sa kanila ni Divina. It's been two years. He knows what he felt. Pero ayaw niyang muling subukan. Ayaw niyang masaktan n'ya si Divina, ayaw din niya ang masaktan sa kapatid ng babaeng una niyang minahal.
Divina is so precious to him. Ginawa niya ang lahat para gumaling ito. 'Di siya tumigil sa pagtulong at palaging nasa tabi ng dalaga 'pag kailangan nito ang tulong. Sa dami ng naitulong niya never siyang humingi ng kapalit. Sapat na iyong makita niyang malusog at malakas ang katawan ni Divina. At wala na ang cancer sa katawan nito.
Pero kahit anong pigil niya sa nararamdaman. Kusa pa rin tumitibok ang puso niya para kay Divina. Nag aalangan lang siya dahil sa sobrang layo ng agwat ng edad nila. Divina is only eighteen, and he is thirty-two. Fourteen to be exact, ang age gap nila. Para siyang tito o uncle ni Divina. Tiyak siyang marami ang huhusga sa kanila, magiging tampulan Sula ng chismis. May propesyon at pangalan siyang inaalagaan. Ayaw niyang bahiran ng pangit na imahe ang kanilang pamilya dahil lamang sa pinili niyang mahalin si Divina.
"Good morning po, Dr. Oscar," bungad na bati ni Dra. Shelley sa kanya. Isinungaw ang ulo ng kaunti sa pinto para masilip siya sa loob.
Napaangat ang tingin ni Oscar. "Come in, Dra. Shelley. Good morning."
Nilakihan ni Shelley ang pagkakabukas ng pintuan at lumapit sa kanya. Umupo ito sa upuan na nasa unahan ng table niya.
"Tonight na po ang Miss Campus sa Easton University, Dr. Marasigan. Para po iyon sa charity na gagawin para sa mga batang may sakit na cancer. All the proceeds na kikitain ay mapupunta sa mga bata sa pedia cancer ward," imporma ni Dra. Shelley. Espesyalista rin ito sa mga bata at siyang ginawa niyang mamahala sa pagent. Maging sa fund raising na binuo niya para lamang sa mga batang may sakit na cancer. Malapit talaga ang loob niya sa mga bata.
"Oh, sorry, I almost forgot. Pakisabi sa coordinator ng beauty contest na pupunta ako mamaya," saad niya. Si Oscar ang head ng mga judges, siyempre dahil ang pamilya niya ang may ari ng university.
Nawala sa isip niya na may nai-organisa pala siyang fund raising para sa mga batang may cancer. Sana lang ay hindi sila magkita ni Divina sa university. Alam niyang sa Easton nag-aaral ang dalaga. Dahil siya rin ang naging dahilan kung sa pagkakapasok ng dalaga sa EU.
She is taking up a Bachelor of Science in Business Management. At nasa first year lamang. Ginawa niya ang paraan para makapasa si Divina nang makabalik siyang muli sa pag aaral.
"After the pagent, may victory party po para sa mananalong kandidata. Lahat po ng physicians at nurses ay kasama sa party. Are you going to attend the party, sir?"
Pag-iisipan pa niya kung pupunta siya sa party. Dahil alam niyang andoon si Divina. Pero mas maigi ng pumunta siya para may bantay si Divina. Ang ugali ng dalaga na pala inom ng alak at nagbabad sa bar. Hindi iyon ugali ng matinong babae.
"I will see if I will attend. Hindi pa ako sigurado. May kopya ka ba ng names ng mga contestant?" tanong niya.
Tumango ito sa kanya at ibinigay sa kanya ang dalang folder.
Nanlaki ang mata niya. Nang mahagip ng mata niya ang pangalan ni Divina sa listahan ng mga kandidata.
"I want you to remove that name, Divina Piper," turo niya sa pangalan ng dalaga.
Nagtaka ang kausap niya.
"Why, sir? Si Divina po ang isa sa pinakamalakas na kandidata. Malaki po ang pag asa niyang manalo sa pagent."
Napailing ng ulo si Oscar saka huminga ng malalim.
"Is there any way para matanggal siya sa pagent?" tanong niya ng mahinahon.
"May problema po ba, sir? Wala na po kasi akong magagawa na tanggalin siya sa listahan. Na-final na po ang list ng mga kandidata mamaya. Unless she will be disqualified to the pagent."
Napabuga siya ng hangin sa sobrang frustration. Luluwa ang mata ng mga kalalakihan at pagpipiyestahan ng lahat ang katawan ni Divina. May swimwear competition. At tiyak na kakarampot na two-piece bikini ang isusuot nito.
"N-Nothing. I just don't want my sister to get involved in Miss Campus pagent. Alam mo na masyado pa siyang bata para sa beauty contest," sagot niyang umiiwas ng tingin.
"She is a very gorgeous young lady and is of legal age. Wala naman pong mangyayaring hindi maganda kung sasali ang sister n'yo sa pagent." sabi nito. "I'm going, sir. Pupuntahan ko po ang venue."
Nakakunot ang noo na tumango siya ng ulo. Naiirita siya sa isiping kasali sa pagent si Divina.
Lumabas na si Shelly na hindi pa din maipinta ang mukha niya.
"Talagang ginagalit mo ako, Vina. Sinusuway mo ako lagi. Makikita mo," madilim ang mukha na bigkas niya. Agad na tumayo at mabilis na lumabas ng opisina niya.
Wala na siyang ganang magtrabaho ngayong araw. Kaya ipina-cancel niya ang lahat ng appointment niya.
Nakasalubong niya sa hallway ng ospital ang kaibigang si Dr. Nick. Kararating lang nito kahapon galing Pilipinas.
"Pare, saan ka pupunta?"
"Uuwi na," walang ganang sagot niya. Kita sa kanya ang sobrang pagkairita.
"Why? Ang aga pa. May round pa tayo maya maya lang."
"I cancel all my appointments. And I want to go home."
Napaismid si Nick sa tinuran ng kaibigan.
"The great Dr. Oscar Marasigan na hindi mo mapa-absent kasi nga, his patient is his first priority. Tapos ngayon uuwi ng bahay? Wow! First time, pare."
Napailing ito ng ulo habang nakapamulsa.
Masamang tumingin siya sa kaibigan. "May gagawin lang akong importante. Mas importante pa sa lahat."
"In-love ka na ba sa kunwari mong kapatid?"
Tumaas ang isang kilay ni Oscar. "No!" madiing tanggi niya. Saka napailng iling ng ulo. Malalaki ang hakbang na umalis siya sa harapan ng pinsan. Narinig pa niya ang malakas na tawa ni Nick.
""I will never let myself fall in love with Divina. Never!" ang sabi niya sa sarili.
NAKARATING siya sa parking lot para puntahan ang kotse niya. May narinig siyang malalakas na tawa ng babae. Sinundan niya ang mga tunog ng tawa na iyon. At nanlaki ang mata ni Oscar sa nakita.
"Divina!"
Napatalon sa gulat ang dalaga. At itinulak ang lalaking kausap niya na sobrang lapit ang mukha sa kanya.
"O-Oscar?"
Malalaki ang hakbang na tinawid ang pagitan nila ni Divina. Napatiim bagang siya at nakakuyom ang kamao. Tumitig siya sa mga mata. Nanlilisik ang mata niya sa sobrang galit sa dalaga.
"What are you doing here in the parking lot?! Wala ba kayong alam na matinong lugar para mag-usap?! At dito sa parking lot na ito niyo naisipan na maglandian!"
"Pare, mali ang iniisip mo---"
Mabilis na kinuha ni Oscar ang kamay ni Divina at inilagay ito sa kanyang likuran. Hindi niya napansin ang dala nitong natapon sa semento.
"I am not talking to you! Kaya huwag kang makialam! It's better to stay away from this girl! I will wreck your neck if I see you again with Divina!" asik niya sa lalaki.
"Who are you to say that?!"
Pilit nitong kinukuha si Divina sa kanya. Sinasalag niya ang kamay ng lalaki at inilalayo si Divina.
"I'm her b-brother!"
Napangisi ang lalaki. "Kapatid? Parang sa pagkakaalam ko walang kapatid na lalaki si Divina darling. And even if you're her brother. I don't care!"
It means na madalas silang mag-usap ni Divina. Dahil alam nitong hindi sila tunay na magkapatid.
Napatiim bagang si Oscar. Talagang hinahamon siya nito.
"I don't f*****g care too!" singhal din niya pabalik sa lalaki. Saka binalingan si Divina sa tabi niya. Nakatitig ito sa mukha niya at hindi nagsasalita. "Let's go home, Divina." aya niya dito sa mababang tono ng boses.
Hinila niya ito papunta sa kotse niya. Nagpahila naman ito sa kanya at hindi nagreklamo. Inalalayan pa niya itong makasakay sa shotgun seat. Saka siya umikot sa driver seat.
Nakangisi na nakatayo pa rin si Sixto. Ni hindi ito umalis sa puwesto niya.