SA LOOB ng sasakyan ay galit pa rin si Oscar na nagmamaneho. Habang si Divina ay tahimik na nakaupo sa tabi niya. Sa sulok ng kanyang mata, alam niyang pinagmamasdan siya nito.
"May sasabihin ka ba?"
"Ha? W-Wala." Agad na nagbawi ng tingin si Divina. Nagkasya na na lamang na tumingin sa labas ng bintana.
Huminga si Oscar ng malalim. "Who is that guy?" tanong niya na hindi tinatapunan ng tingin ang katabi.
"Classmate ko," ang ikli ng sagot nito at hindi detalyado.
"May classmate bang gan'on? Halos maghahalikan na kayo. In public place pa."
"Nagseselos ka ba?"
Napasulyap siya saglit dito ng marinig iyon. Tsaka muling ibinaling ang tingin da daan.
"Bakit ako magseselos? And you're supposed to be in the university. Hindi nakikipaglandian sa parking lot," sagot niyang tanong din. May panunuya sa mga salitang binitawan niya para sa dalaga.
"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako nakikipaglandian sa labas?! He is Sixto, my classmates and my friend! Wala kaming relasyon na dalawa. Because he is gay!"
Biglang napapreno si Oscar na nagpahinto sa kotse. Buti na lamang at walang sasakyan ang nasa likuran nila. At napasulyap kay Divina.
"What did you say?"
"Hindi ka kasi marunong makinig! Sugod ka nang sugod. Pinagbibintangan mo pa akong malandi! Hindi mo ba nakita ang dala ko kanina? I brought breakfast for you! Natapon lang lahat ng pagkain. Nagpasama ako kay Zen dito sa ospital mo para ibigay ang mga pagkain na 'yon!" walang prenong sigaw nito sa kanya. Pagkatapos ay hingal na hingal na tumingin sa bintana.
Natunaw ang galit at selos sa dibdib ni Oscar.
Hindi siya makapaniwala na nagseselos siya. Bakit siya nagseselos? Hindi puwede mangyari iyon. Paano na lang, she is too young for him? Kapatid siya ni Diane, ang babaeng unang minahal niya. Paano na lamang ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa relasyon nila 'pag nagkataon? Magugulat ang mga magulang niya dahil nakipagrelasyon siya sa isang bata. Marami ding tao ang huhusga sa kanila.
"Really?"
"Yeah!" asik nito sa kanya saka huminga ng malalim.
"Nag-uusap kayo na parang naghahalikan. Bakla ba iyon?"
Napairap ito si Divina kay Oscar.
"He is gay. At wala akong doubt doon. In fact, may boyfriend siya."
Lihim na napangiti si Oscar. Ganito ba ang feeling ng masaya sa puso? Para siyang bata na binigyan ng lollipop na nagtatalon sa saya.
Biglang sumeryoso ang mukha ni Oscar nang maalala ang tungkol sa pageant. "And one more thing, hindi ka puwedeng sumali sa beauty pageant," muli niyang binuhay ang makina ng kotse at pinaharurot paalis sa lugar na 'yon.
"Paano mo nalaman na kasali ako sa pageant?"
"Nakalimutan mo yatang isa ako sa mga judge. At ako ang masusunod. Hindi ka puwedeng sumali," pinal na sagot ni Oscar. Baja suwayin na namam ni Divina ang gusto niyang mangyari.
Nakita niyang sumimangot ang mukha ni Divina. At hindi na nagsalita.
MALAKAS na isinarado ni Divina ang pinto pagkapasok nito sa loob ng bahay. At nagdadabog na umakyat ng hagdan.
"Buwisit talaga! Nakakainis ka! I hate you!" mga sigaw niya habang pinapalo ang unan niyang may picture ni Oscar. "Hindi mo ba alam na ikaw lang ang hindi nakakakita ng lahat ng mga ginagawa ko para sa 'yo! Kasi masyado kang self-centered. Napaka-makasarili mo na ayaw mo akong tignan ng matagal! Pakiramdam ko tuloy ang pangit ko! Hindi ako bagay sa katulad mo!"
Hindi siya tumigil ng kapapalo sa mukha ni Oscar habang umiiyak. Saka napahiga sa kama. Ipinikit ang kanyang mata na panay ang agos ng luha. Hindi niya namalayang nakatulog siya.
NAKADIKIT ang tenga ni Oscar sa pinto ng kuwarto ni Divina. Dinig na dinig niya ang mga sigaw at panaghoy ng dalaga.
Napakuyom siya ng kamao. Saka umalis.
ALAS SAIS ng gabi. Hindi bumaba si Divina para kumain. Masama ang loob ng dalaga sa kanya.
"It's your fault. Pinapairal mo ang ego at pride mo," sabay tungga sa basong may lamang alak.
Nagring ang phone niya na nasa ibabaw ng lamesa. Kinuha niya iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. It's Nick.
Napailing ng ulo si Oscar. Saka iritableng sinagot ang tawag ng kaibigan at itinapat ang phone sa tenga niya.
"Anong kailangan mo at napatawag ka?" bungad na tanong niya sa kabilang linya.
"Pare, pumunta ka na rito sa ospital para sabay na tayong pumunta sa Easton."
"Mauna ka na. Susunod na lang ako. Andito pa si Divina sa bahay," narinig niya mahinang tawa ni Nick.
"Si Divina na naman. Wala ka ng ibang iniisip kun'di siya. Simula noong dumating siya ng America hindi ka na umalis sa tabi niya. Pero hindi mo masabi sabi ang nararamdaman mo. Pare, try to let you and confess your feelings to her. Sige ka, baka mamaya magkaroon ng boyfriend 'yan si Divina."
Huminga ng malalim si Oscar. "Kung sana madali lang. Maybe I choose to tell her pero naduduwag ako. Kasi iniisip ko ang kapatid niyang si Diane. You know how much I love her sister before. Sobra pa sa buhay ko. Parang ibinigay ko na nga ang lahat ng pagmamahal ko para sa kanya. But I just left behind and got friendzoned. Ang sakit."
Wala na siyang nagawa kundi ang mag-open up ng kanyang nararamdaman. Nahihirapan na rin kasi siyang pigilan ang napunong sakit sa puso niya. He loves Divina. Pinalitan na ng dalaga sa puso niya si Diane. In-denial lang siya. Ang akala niya ay hanggang kapatid lang ang pagtingin niya para sa dalaga. Pero unti unti na palang sumusibol ang pagmamahal sa puso niya para kay Divina.
"Then, why didn't you tell her about the transplant?"
Isa iyon sa sekretong itinatago niya sa napakatagal na panahon. Tanging si Nick lang ang nakakaalam ng tungkol doon.
"Pare, ayaw ko ng pag-usapan pa ang tungkol doon," pag-iwas niya sa usapan.
"Bahala ka. I have to go. Hintayin na lang kita sa venue ng pagent. Alam kong hindi mo matitiis ang kapatid mong mapanood mamaya sa Miss Campus."
Hindi na din siya pinilit pa ni Nick na pag-usapan ang tungkol sa bone marrow transplant. Siya ang nag-donate para kay Divina. Hindi na niya pinag-test ang mga kapatid ng dalaga. Dahil sa nakuha kaagad niya ang results ng bone marrow. Laking tuwa niya na match sila ni Divina.
"Okay."
Narinig na lamang niya ang tunog na pinatay ni Nick ang tawag. Pagkababa ng phone niya ay sinalinan ng alak ang baso niya saka nilagok ang alak.
"GOOD evening, world, students, faculty members, professors, the director, and the panel of judges. We will now start the 2022 Miss Campus pageant. May I call on our twenty lovely contestants?"
Isa isang lumabas ang mga kandidata para sa mabilis na pagpapakilala.
Pumunta sa harapan ng stage ang unang kandidata.
"Good evening, everyone! My name is Celeste Tory. I'm 20 years old and from the Department of Bachelor of Science in Information and Technology!" rumampa ito at sumunod ang pangalawang contestants. Malakas na nagpalakpakan ang mga nanood sa sumunod na kalahok.
"Good evening, ladies and gentlemen! I am Rebecca Frisco, 21 years old, and from the Department of Bachelor of Science in Accountancy!" kagaya ng nauna ay rumampa ito sa harap ng judges at umalis.
Sumunod sa kanya ang contestants number 3. Napuno ng ugong at hiyawan ang mga audience. Hanggang sa kay Divina na pang sampo sa mga kalahok.
Umayos sa pagkakaupo si Oscar ng pumunta sa harapan niya si Divina. Ang suot nito ay isang one-piece swimsuit na may see-through na robe. Napatingin siya sa magandang mukha nito, sa maliit na beywang at sa makurbang katawan. Tila parang pinagpawisan siya ng malapot.
"Good evening, students, professors, and judges! I'm Divina Piper, 18 years old, and from the department of Bachelor of Science in Business Management!" malakas na sigaw nito. Ang lakas ng palakpakan kay Divina. Nakuha kaagad nito ang atensyon ng marami. Siya na ang favorite of the crowd.
Nang matapos ang introduction ng mga kandidata ay isa-isang ipinakilala ang mga judges.
"Our last judge is the head of the panel judges. He is a successful doctor at Marasigan Doctor's Hospital, who specializes in different types of cancer. He loves kids; that is why most of their patients are children. He is the one who created this fundraising project for pediatric cancer kids. Our university head director, and the very handsome doctor, Mr. Oscar Easton Marasigan!"mahabang pakilala ng emcee kay Oscar.
Napasinghap si Divina sa nalaman. Sa tagal na nilang magkasama isang bahay at halos ilang taon na din silang magkakilala ay ngayon lang niya nalaman ang binata pala ang may-ari ng Easton University. Wala man lang nagsabi sa kanya.
Nakagat niya ang ibabang labi ng tumayo ang binata. Kumaway pa ito sa mga taong nanonood ng pagent. Guwapong-guwapo ito sa suot na tuxedo. Sinong mag-aakala na he's in his coming 30's?
Halos manlambot ang kanyang tuhod ng tumingin ito sa kanya mula ulo hanggang paa. Saka madilim ang mukha na tumitig sa mata niya.
Pagkatapos na ipakilala ang mga judges ay tawagin na ang top 10 finalist.
"This is what we've been waiting for! announcing the top 10. May I call on Dr. Douglas Sprinter to give the envelope for the top 10 and be here on stage to announce the names?" tinatawag nito ang isang judges.
Kinakabahan si Divina. Kahit na favorite siya ng crowd ay hindi pa din niya hawak ang hatol ng mga judges. Lalo na ang isip ni Oscar. Unang-una na itong tumutol sa kanyang pagsali sa beauty pagent.
Tumaas sa stage si Doc. Sprinter at ibinigay sa emcee ang envelope. Binasa ang nakasulat doon. At may ngiting humarap sa mga tao.
"This is not in consecutive order. The first number I will call is the contestant... Number 2!" tawag sa unang kandidatang pasok sa top 10.
Rumampa ang todo ngiting si number 2 papunta sa harap. Nagwave ito at nagpasalamat. Ang sumunod na tinawag ay si number 8. Dalawa na ang natatawag. Kinakabahan pa din si Divina.
"The third contestant is number 15!" tawag pa sa isang pumasok. "Congratulations to number 12! Number 7! Number 9! Number 19! Number 20! Number 1! And the last candidate who will enter to top 10 is none other than — number 10!"
Napasigaw ang lahat. Si Divina ay napatakip ng bibig. Hindi siya makapaniwala na makakapasok siya sa top 10.
"Thnak you, Doc. Sprinter." pagpapasalamat ng emcee sa doktor. Saka bumaling sa mga manonood. "Please, take a look to our top 10 candidate!"
"WHAT is your plan, pare? Ang sama ng tingin mo kay Divina. Parang gusto mo ng kainin ng buo ang fake sister mo," tudyo ni Nick sa kaibigan.
"Can you just do your work?! Ako lang dapat ang may alam ng gagawin ko. Humanda lang si Divina. Masyado niyang pinaiinit ang ulo ko."
Natawa ng mahina si Nick. "Aling ulo ba ang nag-iinit sayo? Sa taas o sa baba?"
Madilim ang anyo na sinulyapan ni Oscar ang kaibigan. Ngingisi-ngisi lang ito kanya. Habang siya ay hindi naaalis ang tingin kay Divina habang naglalakad sa stage suot ang evening gown.
Marami ang namangha sa angking ganda ng dalaga. Titig na titig ang lahat at halos walang kakurap-kurap ang tingin sa dalaga.
"Our top 3 candidates will be called on by Dr. Oscar Marasigan. Please come up on stage, sir," tawag sa kanya ng emcee.
Mabilis na umakyat sa stage si Oscar. Pagkalapit niya sa emcee ay ibinigay nito ang microphone.
"Good evening, beautiful ladies. I just want to say thank you. All of you give your best in this pageant. Good job, ladies!" Oscar said.
Isa isang tiningnan niya ang sampong kandidata. Nang matuon kay Divina ay napalunok siya ng sariling laway. Tunay ngang nakakaakit ang ganda ng katawan ng dalaga. Kahit siya ay kanina pa nagpipigil na hilahin ang dalaga at ikulong sa kuwarto nito. Nang walang matang makakakita sa seksing katawan nito.
Her face, body, and everything are all for him. Only for him.
"In no particular order. The three candidates, whom I will call, who will have a chance to be Miss Campus are: candidate number 8, candidate number 15, and candidate number 10!"
Nagtalunan ang mga kaibigan ni Divina. Ang tatlong tinawag na kandidata ay pumunta sa unahan.