MASUSING tiningnan ni Divina si Oscar. Hindi niya maalis ang tingin niya dahil sa sinabi nito. "Sigurado ka na ba? Baka kasi dahil sa selos mo kaya mo ako gustong pakasalan. Oscar, ayoko na parang napipilitan ka lang na pakasalan ako," sa binata na din nanggaling na ayaw pa niyang ilantad ang relasyon nilang dalawa. Pero hindi pa ito ang tamang oras para lumagay sila sa tahimik. Marami pang dapat isaalang alang. Ang parents ng binata na never pa niyang nakita. Ni hindi nito naikukwento sa kanya. Wala ni isa sa mga kapatid niya ang nandito sa America. "Nire-reject mo ba ang proposal ko?" "Yes. Hindi sagot ang kasal dahil sa nagseselos ka. Mahal din kita at alam mo iyon. Ako ang nanligaw sayo. Ako ang naghabol. Gusto ko pa din na ihaharap mo ako sa lahat ng tao, before our wedding. Hind

