Chapter 19

1327 Words

NAKASANDAL si Sir Grant sa sementadong pader ng likod ng auditorium. Nakatanaw siya sa malawak na lote na bahagi ng eskwelahan. May mataas na bakod na yari sa barbwire at sa kabila ng bakod ay nakikita ang isang bahagi ng malaking ilog ng siyudad. Mahangin sa lugar na iyon, pero mainit ang dampi sa balat kahit sa umaga. Nakita ako ni Sir Grant. Tumuwid siya ng tayo at inantabayanan ang paglapit ko. Hanggang sa sandaling iyon, nag-iisip pa rin ako kung paano ko sisimulan ang sasabihin ko sa kaniya. Ini-imagine ko rin ang magiging reaksiyon niya. “What is it all about, Celine?” seryosong tanong niya. Binundol ako nang matinding kaba. Kahapon pa siya wala sa mood at parang ayaw akong kausapin. Nilakasan ko ang loob ko. Nandito na ako kaya itutuloy ko na. Huminto ako nang may ilang hakban

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD