Chapter 20

2295 Words

MAG-ISA akong nakatayo at nakatingin sa kumikinang na tubig ng rectangular swimming pool. Sa bandang kaliwa ko ay ang malagong ornamental plants na naghihiwalay sa pool area at sa garden ng bahay ni Dr. Magsaysay. Nilingon ko ang naiilawang hardin sa kaliwa. Nakalatag doon ang mahabang mesa kung saan natitipon ang ilang professors at staff ng university. Dinig ko ang mga tawanan nila mula sa aking pwesto. Paminsan-minsan ding umaabot sa akin ang sinasabi ng school administrator. Kasama nila ako kanina sa mesa na nakikinig sa mga kwento ni Dr. Magsaysay pero, hindi ako nakatiis. Nagpaalam ako sa kanilang may tatawagan kahit ang totoo ay gusto ko lang mapag-isa. Buong araw na akong hindi matahimik dahil kay Celine. Kahit anong mga kwento at tawanan sa paligid ay hindi pumapasok sa isip ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD