Noong mismong hapon ding iyon ay naging mainit ang balita tungkol sa pagkakahuli kay Anthony Gregorio. Kahit saang channel ka pumunta, ang Arkhenham City ang laman ng balita. Kahit sa radyo at sa social media ay trending ang usapan tungkol kay Anthony Gregorio. Maging ang palasyo kung saan nakatira ang Pangulo ay nag-anunsyo na ang isa sa pinaka-kinakatakutang public enemy ng bansa ay nahuli na. Hindi rin maiwasang mabuksan ang usapin tungkol sa the Stabber. Ikinukumpara nila si Anthony sa ama nito. Hindi ko alam kung ano ang mapapala nila kung malalaman nila kung sino ang mas brutal sa dalawa. Samantalang, pareho lang naman silang mga kriminal. Hindi na ako magtataka kung isang araw, magkakaroon din ng pelikula ang buhay ng mga ‘to. At siyempre, hindi nakawala sa balita si Grace na ngayon

