Lumipas na ang tanghali ngunit hindi pa rin nababawasan ang mga tao sa headquarters. Mas dumami pa nga sila dahil mas marami pang mga reporters ang nagdagsaan para makita ang hitsura ng notorious na serial killer. Gano’n din ang pamilya ng mga nabiktima. Galit na galit silang pumunta at halos isiksik na nila ang sarili sa pintuan ng headquarters makapasok lang. Kaya naman kinailangan pa naming higpitan ang bantay para masigurong wala ng iba pang makakapasok sa loob. Lalo na at kailangan pa namin ng masusing imbestigasyon. Maging ang mag-amang Crisostomo ay hindi makalabas ng headquarters. Dahil nang sinubukan nila, ay kaagad silang kinuyog ng mga tao. Ayos lang naman sana, pero kinailangan namin silang pigilan na magbigay ng kahit anong pahayag habang hindi pa tapos ang mismong imbestigas

