Sa buong career ko, ito ang unang police operation na sasalihan ko na maghahanda at magdadala ako ng baril. Oo, sa tingin ko ay tuluyan ng nawala ang takot ko rito pero hindi ako sanay na magdala nito. May alam naman ako tungkol sa mga baril subalit hindi naman din ako gano’n kagaling gumamit nito. Ang totoo, hindi ko alam kung makakatulong sa akin ang pagdadala ng sandatang kagaya nito. Maya-maya ay lumapit si akin si Gunner dala ang dalawang mataas na kalibre ng baril. Isang M16 assault rifle at isang Galil. Nagulat ako dahil inilapag niya sa harapan ko ang dalawang baril at pinapili niya ako kung ano ang mas natitipuhan ko. Tinignan ko naman ang dalawang baril at para sa akin ay mas maganda ang Galil. “Ito sir. Inayos ko na ‘yan at nilinis. Maganda ang putok niyan,” sabi niya sabay tul

