Chapter XXXI

2331 Words

“Sigurado ka bang sasama ka? Baka magkaputukan doon, at maulit sa’yo ‘yong nangyari noong nakaraan. Mas mabuti siguro kung hindi ka sasama sa operasyon.” “Hindi rin ako mapapakali dito, Captain. Isa pa, kailangan kong paglabanan ang takot na ‘to. Alam ko maaaring huli na, pero alam kong mapapaharap ako sa mga mas mapanganib na mga sitwasyon sa susunod. Nasa isipan ko lang ang takot na ito. Sigurado ako. Kaya hayaan ninyo akong sumama. Hindi ‘to hadlang sa akin dati.” “Sige. Pero sa oras na magka-problema, hihilain kaagad kita palikod. Naiintindihan mo ba, Perez?” “Naiintindihan ko po, Captain Ross.” Bumalik sa isipan ko ang usapan naming iyon ni Captain Ross bago kami pumunta rito. Alam kong nag-aalala siya. Pakiramdam ko tuloy, nagiging pagbigat na ang phobia kong ito. Napakagandang m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD