Sa ospital ako muling nagising at agad kong naramdaman ang mga sugat sa mga binti ko. Tinigan ko ang mga iyon. Hindi naman sila ganoong kalalaki pero ang isa sa kanila ay kinailangan pang tahiin. Hindi ko na naman inaasahan ang ginawa ni Grace sa akin. Pinilit kong umupo. Wala namang ibang masakit sa akin at kayang-kaya ko naman ang hapdi na dala ng mga sugat. Bahagyang nahihilo ako, pero bukod doon ay okay naman ako. Naisip ko na ginawa ni Grace iyon, para pagmukhain na talagang masama ang balak niya sa akin. Isang bagay na hindi ko talaga maintindihan at kahit na may galit ako sa kanya ay hindi pa rin mawala sa akin ang mag-alala. Ngayon, siguradong hinahabol na siya ng awtoridad kahit saan siya magpunta. At kahit nagdadalawang isip ako na tulungan siya ay wala na akong magagawa. Kailang

