Chapter XXVIII

2653 Words

Nakatutok kaagad ang mga mata ng mga tao pag dating ko sa headquarters. Iba ang tingin nila sa akin. Ilang araw lang akong hindi pumasok pero parang ang tagal kong nawala. Hindi ko alam kung naaawa sila, naiinis o hindi makapaniwala sa nangyari sa amin. Pakiramdam ko, lahat ng tao dito, hinuhusgahan ako, at si Grace.  Hindi ko naman sila masisisi. Sigurado kasing kung ano na naman ang idinagdag ng media sa balita. Isa pa, ito naman talaga ang plano ni Grace. Binati ako ng ilang mga nakakakilala sa akin. Normal naman ang pagbati nila, pero kakaiba ang pakiramdam ko sa mga tingin nila na parang tumatagos sa pagkatao ko. Ngumingiti sila ngunit pag lagpas ko ay nagbubulungan. Napadaan ako sa Forensic Lab at nakita ako ng mga kasamahan ni Grace. Pero nang makita nila ako ay agad nilang iniwas a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD