KABANATA 30 Napatigil sa pagpasok ng candy store ang matanda at dahan-dahang lumingon kaya nagtama ang mga mata namin. Dahan-dahan din siyang ngumiti kaya lumabas ang malalaki at mapuputi niyang ngipin. Dahil sa pagngiti niya halos mawala na ang mga mata niya. Kinilabutan ako. Hindi naman kami magkakilala pero gano’n na lang ang ngiting ipinakita niya sa ‘kin. Pakitang-tao lang ba ‘to para masabing mabuti siyang tao? Ang tanong, tao nga ba siya? Hindi ko nagawang ngumiti at mabilis akong nag-iwas ng tingin. “Pre, ihi muna ko,” sabi ko sa lalaking kasama ko. “’Ge lang,” sagot niya at naglakad na siya palapit sa mga kasama niya na kausap pa rin si Mona. Pumunta naman ako sa direksyon ng madilim na eskinita kung saan ko iniwan ‘yung driver ng truck at si Tata na kasama si Munti. “Ano’ng n

