KABANATA 31 Malapad ang pintuan kaya binuksan ko ito gamit ang dalawang kamay ko. Nang mabuksan ko na ito isang hagdan pababa ang nakita ko. Madilim sa ibaba kaya wala akong makita pero dinig ko naman ang mga iyak ng mga bata, kaya hindi na ako nagdalawang-isip na bumaba. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ko ang flashlight nito. Dahan-dahan at maingat ang ginawa kong pagbaba ng hagdan na gawa na bakal. Bago ako tuluyang bumaba, sinarado ko ang pintuan at ni-lock ang bolt lock na nakakabit rito. Ilang steps din ang naapakan ko bago ko naramdaman ang sementong sahig. May liwanag sa kinatatayuan ko dahil sa ilaw na nanggagaling sa flashlight ko pero nang ilibot ko na ang mga mata ko sa paligid ko, puro kadiliman na lang. Mabilis akong kumilos para maghanap ng switch ng ilaw. Nang mara

