KABANATA 32 Bago pa siya makalapit sa ‘kin nakatayo na ako at nakatakbo palapit sa pader kung saan may nakasabit na mga kutsilyo. Kumuha ako ng isang mahaba at matulis na kutsilyo. Humarap ako sa kanya at winasiwas ito. “Hindi ako natatakot na gamitin ‘to sa ‘yo!” sigaw ko, kahit na ramdam at kitang-kita ko ang panginginig ng kamay ko na nakahawak sa kutsilyo. Napatingin siya sa kamay ko at nakita ko ang pagngisi niya. Alam niyang takot ako at nagtatapang-tapangan lang. Sa labing-walong taong pamumuhay ko rito sa mundo, wala pa ‘kong napatay kundi mga insekto. Noong bagong salta pa lang ako sa bahay ni Mang Gary, ang daming ipis sa kwarto ko. Wala akong choice kundi gamitan sila ng insecticide para hindi ako maperwisyo. ‘Yon din ang araw na unang beses kong nakita si Mona. Nagdala siya n

