KABANATA 29 “Mona, sandali,” sabi ko at tumigil ako sa paglalakad at hinawakan ko siya sa balikat. Napatigil din sa paglalakad si Mona at nagtanong kung bakit. “May titingnan lang ako. Doon tayo.” Itinuro ko sa kanya ang malaking puno sa may bangketa. Hindi naman ‘yon kalayuan at makikita ko pa rin ang nangyayari sa candy store. Inilagay ko sa gilid ng pader ang bike at nagkubli kami sa likod ng malaking puno. Mula sa nakabukas na pintuan ng malaking truck. Ilang cooler box pa ang ibinaba nila. Ang ilan rito ay may bahid pa ng dugo. Mabilis na kumabog ang dibdib ko. Kung ano-anong pangit na imahe na ang nakita ko sa isip ko at naalala ko rin ang maamong mukha nina Nini at Mikay. Huwag naman sanang magkatotoo ang mga naiisip ko. “Baste, ano bang tinitingnan natin?” tanong ni Mona. Sasag

