KABANATA 27 Sinundan ko siya ng tingin nang lumabas na siya ng kwarto. Bahagya lang akong nakasilip sa may pintuan. Naglakad siya papunta sa tapat ng kwarto na pinagbabawal niyang pasukin ko. Tumingin-tingin muna siya sa paligid bago niya nilabas ang susi mula sa kanyang bulsa at binuksan ang pintuan ng kwarto. Madilim sa loob kaya hindi ko nakita kung ano’ng laman no’n. Pumasok siya sa loob nang hindi binubuksan ang ilaw at pagkatapos ay sinarado na niya ang pintuan. Ano kayang bagay ang itinatago niya o iniingatan doon kaya gano’n na lang ang pagbabawal niya na pasukin ‘yon? Kapag may pagkakataon, tatanungin ko si Kiko. Baka sakaling may malaman ako sa kanya. Masyado akong naku-curious kung ano’ng laman sa likod ng pintuang ‘yon. Ilang minuto lang siyang nanatili sa loob ng k

