KABANATA 25 Mabilis na tumakbo palapit sa ‘kin ‘yung aswang. Wala na akong nagawa at hindi na ako nakakilos nang hawakan niya ako sa leeg at unti-unting umangat ang mga paa kong nakaapak sa sahig. Hinawakan ko ang kamay niyang nakasakal sa ‘kin. Pilit ko itong tinatanggal dahil parang mababali na niya ang leeg ko at hindi na ako makahinga. Inunat ko ang mga braso ko at pilit kong inabot ang mukha niya hanggang makalmot ko siya sa may mata. Nabitawan niya ako at bumagsak ako sa sahig. Napahawak ako sa leeg ko habang pinipilit huminga. Galit siyang umungol habang nakahawak sa isang mata at ang kabilang mata niya’y nanlilisik na nakatingin sa akin. Napaurong ako hanggang sa mapasandal ako sa salaming pintuan ng punerarya. Mabilis akong lumingon para tingnan kung may tao sa labas, pero wala

