KABANATA 24

2623 Words

KABANATA 24 “Mona, may trabaho na ‘ko!” Bago ako pumasok sa trabaho pinuntahan ko muna siya sa bahay nila na karugtong lang ng karinderya nila. Mukhang kauuwi lang niya dahil nakasuot pa siya ng uniform niya sa school. Kaming dalawa lang sa sala dahil nasa karinderya ang nanay niya at ‘yung bunsong kapatid niya. ‘Yung kuya niya hindi ko alam kung nasaan. “Talaga?!” Tumango ako at tuwang-tuwa naman siya. Habang pareho kaming nakatayo, tumingkayad siya para mailagay niya sa batok ko ang mga kamay niya at hinawakan ko naman siya sa tagiliran niya. “Ang galing-galing naman ng boyfriend ko. Saan ka magtratrabaho?” “Ano… sa…” Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na sa punerarya ako magtratrabaho kasama ng mga kabaong doon at may makakasalamuha akong mga patay o baka multo. “Saan?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD