KABANATA 34 Hindi pa kami nakakalabas ng ospital, marami nang mga reporters ang gusto akong makuhanan ng interview. Dahil sa pagkakaligtas ko sa mga bata, para akong naging instant celebrity. Lumabas ang mukha ko sa TV pati sa dyaryo. Kapag lumalabas ako ng bahay, kung sino-sino ang bumabati sa akin kahit na hindi ko naman kilala. “Hi, Baste,” bati sa ‘kin ng dalawang babaeng nakasalubong namin ni Mona. Nginitian ko lang sila dahil naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Mona sa braso ko. Nang tingnan ko siya, nanunulis na ang nguso niya. Kinalabit ko ang ilalim ng labi niya. “Nakasimangot ka na naman.” “Hindi pa tayo nakakalayo sa ‘min may apat na babae na tayong nakasalubong na nagpapa-cute sa ‘yo. Hmp! Huwag ka kasing masyadong friendly!” “Binati ako. Nakakahiya naman kung hindi ko

