KABANATA 17 Ilang araw na sa kaharian nina Silverio si Malaya at kahit isang beses ay hindi pa siya pinalabas ng silid kung saan siya ikinulong. Araw-araw ay dinadalhan na lamang siya ni Silverio ng pagkain na pilit na lamang niyang kinakain upang hindi siya manghina. Kailangan niyang mag-ipon ng lakas para sa araw ng pagtakas niya. Araw-araw rin ay dinadalhan siya nang malaking batsa na sinasalinan ng tubig upang makaligo siya. Maganda rin ang mga kasuotan at alahas na ibinibigay sa kanya ni Silverio. Ngunit hindi maitatago ng makikinang na mga ginto at makukulay na hiyas at mga kasuotan ang kalungkutan ni Malaya. “Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan na kailangan kitang ikulong rito. Mahal kita, Malaya. Lahat ng ipinakita ko sa iyo ay totoo. Totoo rin na iniibig kita. Mahal ko rin

