KABANATA 18 Lumabas sa isang malaking puno ng Balete si Malaya ngunit hindi ito ang puno sa bundok kung saan sila pumasok ni Silverio noon. “Anak, ikaw ba ang may gawa nito? Ikaw ba ang nagbukas ng lagusan?” sabi niya sa kanyang isip. Wala siyang maisip na ibang dahilan kung paano nabuksan ang lagusan kundi ang kanyang anak sa kanyang sinapupunan na nanalaytay rin sa katawan ang dugo ng ama na isang Dalaketnon. Napatingin siya sa maliwanag na langit at nakita niya ang mga ibong lumilipad sa itaas. Parang nagkaroon ng panibagong lakas si Malaya at nagawa niya na magpalit ng anyo muli. Nagsa-anyo siyang ibon at sumabay sa paglipad ng mga ibon na nasa itaas. Kung nasa kanya lamang ang kanyang pakpak, sa oras ding iyon ay makakabalik siya sa kanila. Abot tanaw lang niya ang langit ngunit

