KABANATA 19 Malakas na iyak ni Sebastian ang nagpagising kay Malaya. Napatingin sa kanyang gilid si Malaya at nakita niyang nasa tabi na niya ang anak na nalinisan na at nabihisan. Nakahiga ito sa kulay asul na pranela na binurdahan niya ng pangalan nito. Malakas pa rin ang ulan sa labas at walang tigil ang pagkulog at pagkidlat na para bang galit na galit ang langit. Nanghihina pa siya ngunit pinilit niyang bumangon upang buhatin ang anak. “Tahan na, mahal kong Sebastian. Gusto mo ba ang iyong pangalan? Ang iyong ama ang nagbigay sa iyo niyan.” Napakunot ang noo ni Malaya nang makaamoy siya ng masangsang na amoy na pamilyar sa kanya. Bumilis ang t***k ng kanyang puso nang maalala niya kung saan niya naamoy ang pamilyar na amoy na iyon. Hinding-hindi niya makakalimutan ang nakakasulasok

