KASALUKUYAN na nasa isang shooting si Kristel ng isang drama special na ipapalabas sa mahal na araw. Ang eksena ay hahalikan siya ng kanyang leading man na isa sa pinakasikat at award winning actor ngayon. Ngunit hindi 'yon natuloy nang may bigla nalang nakisali sa eksena. Galit na galit nitong kwinelyuhan ang leading man. "Pasensyahan tayo, pero hindi ko pinapadapuan ng langaw ang fiancèe ko," tapos ay pabalya nitong binitawan ang male actor. "What? Direk ano 'to?" sigaw ng naguguluhang actor na ang akala ay parte pa rin ng kinukunan na eksena ang pagsulpot ng lalaki at hindi ito na inform. Si Kristel ay nanlaki naman ang mga mata sa pagkagulat at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanyang leading man at sa lalaking hindi niya inaasahang makikita. Animo nakakita siya ng multo sa katauhan

