NAGISING si Kristel sa amoy ng masarap na pagkain. Sinangag na kanin, tuyo, tapa at itlog. "May favorite breakfast. Mukhang mapaparami ang kain ko ngayon!" nakangiti niyang turan. Marahan na bumangon at nag-inat ng mga braso. Ang sarap ng tulog niya kaya naman parang kay gaan ng pakiramdam niya. Parang kay tagal na noong huli siyang nagising ng ganito kagaan ang pakiramdam niya. Excited siyang nagtungo sa kusina ngunit agad na napahinto sa paglalakad ng makita kung sino ang nagluluto doon. Si Adam. May hawak na sandok. Mukhang maganda rin ang gising nito at sumisipol-sipol pa habang busy ito sa pagluluto. Bagong ligo na ito at nakapag-ahit narin ng balbas. Wearing a Campus shorts and white cotton Sando na maluwag sa bandang dibdib at pinaiibabawan ng kitchen apron. Wala sa sarili siya

