SA nakalipas na mga buwan ng pagiging mag-asawa nila ay masasabi ni Kristel na napakasaya niya sa piling ni Adam. Bagaman noong una ay aaminin niyang may takot sa puso niya. Marrying an arrogant seducer is something to worry about, right? Ngunit hindi naman nagkukulang si Adam ng pagpaparamdam sa kanya ng pagmamahal nito sa kanya at pinapawi niyon ang takot sa puso niya. Kaya ngayon ay masasabi niyang wala siyang kahit katiting na pagsisisi na sinonud niya ang nararamdaman at itinitibok ng puso niya. Isa pa sa ikinatutuwa ni Kristel sa pagpapakasal kay Adam ay hindi lang siya nagkaroon ng bagong pamilya kundi nagkaroon din siya ng mga bagong mga kaibigan sa katauhan nina Ysabel, Katrina, Tamara at Candice. Si Sabrina na medyo malamig ang pagtanggap sa kanya noong una ay naging isa sa pin

