MAGKASAMANG umuwi ng San Martin sina Adam at Kristel. Pagkalipas lang ng ilang araw ay natuloy na rin ang pagpapakasal nilang dalawa. "I now pronounce you husband and wife. You may now kiss your beautiful wife Mr. Ramirez," nakangiting turan ng Mayor na nagkasal sa kanila. Agad naman na tumalima si Adam at binigyan ng mariin na halik sa mga labi si Kristel. "Finally, you're really my wife now! I love you, Mrs. Ramirez!" turan nito sabay yakap ng mahigpit kay Kristel. "And I love you too, my husband!" ganteng turan ni Kristel at yumakap din sa asawa. Palakpakan ang pamilya at mga kaibigan nila na naroon din at nakikisaya sa pag-iisang dibdib nila. "Ladies and gentlemen I'm proud to present to you, Mr. and Mrs. Adam Ramirez," nakangiting announce ng Mayor. Abot tenga ang mga ngiti nin

