MASAYA si Kristel sa piling ni Adam. Liban sa napaka-sweet pala nito at maalaga. Hindi na rin ito tumitingin pa sa ibang babae kahit gaano pa kaseksi at kaganda ang dumadaan sa harap nito o kaya ay nagpapapansin. At syempre ay hindi pa rin maiwasan na may lumalapit pa rin ditong mga babae. Mahirap talaga kasing hindi mapansin ang presensiya nito na nakakaangat sa ibang kalalakihan. Minsan ngang kumain sila sa labas at nagpaalam siyang mag-powder room. Paglabas niya ng powder room ay may dalawa nang babae na nasa mesa nila. Ang isa ay nakaupo sa upuan sa tabi nito. Malanding pinaglalakbay ang daliri nito sa braso ni Adam habang mapang-akit na nakangiti. Ang isa ay nasa katapat na upuan. Disimulado na sinasadyang ipakita kay Adam ang nakaluwang malulusog na dibdib. Syempre ay agad na kumul

