AGAD na nakaramdam ng gutom si Kristel ng pagpasok palang niya ng Condo ay manuot sa ilong niya ang amoy ng paboritong ulam. Excited siyang dumeretso sa kusina para silipin ang niluluto ng katulong niya. Ngunit hindi si Manang ang nagluluto kundi ang napaka gwapo at macho niyang fiancè. Agad na lumaki ang ngiti sa mga labi ni Kristel. Ang sarap pala talagang umuwi galing sa trabaho tapos maaabutan mo ang taong mahal mo na abalang naghahanda ng pagkain para sa pagdating mo. Nakakataba ng puso! "Ahemm..." Nakangiting kuha ni Kristel ng attention ni Adam matapos busugin ang mga mata at puso sa pagtitig dito. Agad naman na lumingon si Adam sa kanya. "Nandito ka na pala, sweetheart." Lumapit ito at kinintalan siya ng mabilis na halik sa mga labi. "Gutom ka na?" Tumango si Kristel bilang sag

