ANG masaya at kuntento na buhay ni Kristel sa piling ng asawang si Adam ay nabahiran ng takot dahil ilang buwan na rin mula noong unang may mangyari sa kanila ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nabubuntis lalo na at sa simula palang ay wala naman silang ginagamit na contraceptive ni Adam. Kaya minabuti niyang kumunsulta sa isang gynecologist. “Paano po nangyari yun, dok? Hindi po ako eksperto sa mga ganyang bagay pero base po sa mga naririnig ko, ang may mga infertility problema ay iyong mga taong may mga bisyo katulad ng malakas na paninigarilyo, paggamit ng bawal na gamot at malakas umiinom ng alak. Pero wala naman po akong bisyo. Sa pag-inom naman po ay minsan lang po ako umiinom, ocasional lang po,” tanong ni Kristel sa gynecologist na halatang pinipigil ang panginginig ng b

