KINAKABAHAN si Kristel kung paano niya kakausapin ang asawa tungkol sa napag-usapan nila ng biyenang babae. Marahan siyang lumapit sa kama kung saan nakaupo si Adam at nanonood ng paborito nitong sports sa tv. "Love..." malambing siyang yumakap sa asawa. "Hmm?" Ipinaikot naman nito ang isang braso sa kanya ngunit nasa pinapanood pa rin nito ang tingin. "Kinausap ako ni Mommy..." pag-uumpisa niya kahit kinakabahan siya sa maaaring reaksyon ng asawa. "About?" "Diba, next week lilipat na tayo sa bahay natin? Ano kasi..." Tumingin sa kanya si Adam na animo hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "Ahmm... Nakiusap kasi si Mommy na ano..." "Na?" "Na tsaka nalang daw tayo magsarili kapag— kapag ano, kapag may baby na tayo." "What? At pumayag ka naman?" Nasa mukha ni Adam na hindi nito

