NAPAATRAS si Kristel ng isang hakbang dahil sa nakikitang galit sa mukha ni Adam. Wala sa sariling naiharang niya ang katawan kay Erwin sa takot na kung ano ang gawin nito sa binata. Sa anyo kasi nito ay animo mananakit ng tao. Nakakahiya naman kay Erwin kung madadamay pa ito sa saltik sa utak ni Adam. "Where have you been? Naiwan lang kita sandali nakahanap kana agad ng kapalit?" galit na galit itong hinatak siya tapos ay masama ang tingin na ibinato kay Erwin. "Easy, dude... Nasasaktan mo siya," awat ni Erwin na kitang kita ang pag-aalala para kay Kristel. "Wala kang pakialam dito! Kaya kung ako sayo lumayo-layo ka kung ayaw mong madamay..." dinuro pa nito si Erwin. "But your hurting her..." si Erwin na mukhang hindi manlang natakot kay Adam. "Erwin, please..." aniya na gustong ipar

