SINUBUKAN ni Kristel na paganahin ang utak. Hindi pwede ang gustong mangyari ni Adam. Kapag bumigay siya ngayon ay wala na talaga siyang kawala sa kasal na gustong mangyari ng mga magulang ni Adam para sa kanilang dalawa. "Gago! Bitiwan mo nga ako!" singhal niya dito. Pinipilit ignorahin ang nararamdamang masarap na kiliti na nanunulay sa katawan niya dala ng mga halik ni Adam sa may leeg niya. "No one can resist me, sweetheart... Madali kong nakukuha ang gusto ko. Mapapagud ka lang. Save your energy para sa gagawin natin..." bulong ni Adam habang patuloy sa pananalakay na ginagawa nito kay Kristel. Hindi nagugustuhan ng utak ni Kristel ang mga lumalabas sa bibig ni Adam. Pero bakit iba naman ang nararamdaman ng katawan niya? "Adam, stop it... Oh, please..." kulang sa lakas na sawa

