HALOS mabasag yata ang eardrum ni Kristel sa lakas ng boses ng nasa kabilang linya ng ikwento niya rito ang eksena kaninang pagdating niya. "Ano kamo, nandiyan si Mia at kasama ang anak niya sa asawa mo?" pag-uulit nito sa ipinagtapat niya dito. "Ano ka ba, Devon. Mababasag ang eardrum ko sayo e," reklamo niya rito. "Sorry, sorry... Nabigla kasi talaga ako." Paghingi nito ng paumanhin. "Kailan pa sila dyan?" "Kahapon pa daw sila rito. Nabigla nga ako noong pagdating ko kanina e… Actually nasabi na sa akin ng katulong ni Xander ang tungkol kay Mia pero hindi ko naman inaasahan na leteral na si Mia nga ang tinutukoy nito na naging bisita daw ni Xander sa mansion nito." "Sino naman ang hindi mabibigla? Maski nga ako ay hindi makapaniwala e. Paano kung may balak pala siyang agawin sayo a

