KAHIHINTO lang ng kotse na sinasakyan ni Kristel sa tapat ng mansion ng mga Ramirez. Pagbaba niya ay kaagad na nakuha ang Attention niya ng isang batang lalaki na tumatakbo papunta sa direction niya. Nakasuot ito ng Pirate costume at mayroon pang plastic sword sa kanang kamay. "How cute..." nakangiti niyang turan. "Aldwin... Be careful and don't run too fast, you might fall and hurt yourself!" sigaw ni Mommy Cynthia na humahabol sa batang lalaki. Lalong lumuwag ang ngiti ni Kristel. Parang nakikita na niya ang itsura ng Mommy ni Adam kapag nagka apo na ito sa kanila ni Adam. Cynthia Ocampo Ramirez is a picture of a very protective grandmother. At mukhang ngayon palang ay nagpapractice na ito sa kung kanino mang anak ang hinahabol nito ngayon. "Hurry up, Lola! I'm excited to see what t

