KALALABAS lang ni Adam mula sa shower. Nakatapi lang ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan. Basa pa ang buhok. Nakangiting sumisipol-sipol pa siya tanda na maganda ang gising kahit na ba laseng sa nagdaang gabi.
Naghahanap siya ng isusuot ng makarinig ng sunod-sunod na katok.
"Adam? Adam!!! Buksan mo nga itong pintuan..." sigaw ng Daddy niya mula sa labas ng saradong pinto ng kwarto niya.
Walang pakialam at hindi niya ito pinansin. Pinagpatuloy niya lang ang pamimili ng isusuot na damit.
"Adam!!! Ano ka ba? Sinabing buksan mo itong pinto!" muling sigaw ng Daddy niya kasabay ng mas lumalakas pa na pagbayo nito sa pinto ng kwarto niya.
"Anthony, calm down! Baka naman mali ang hinala niyo..." dinig niyang pagpapakalma ng Mommy niya sa Daddy niya.
Napangisi siya. Malamang nalaman ng ama na nag-dala siya ng babae sa kwarto niya. Kaya naman mukhang galit na galit ito. Wala siyang pakialam. Sinadya nga niya iyon. Para naman marealize ng mga ito na wala talaga siyang balak na gawin ang gusto ng mga ito na ipakasal doon sa apo ng kaibigan ng lolo niya. Balak talaga niyang lalong galitin ang mga magulang niya para ibalik na ng Daddy niya ang mga bank accounts at credit cards niya. Para makalayas na rin siya pabalik sa London at bumalik na sa buhay na gusto niya.
Walang pagmamadali na Isinuot ang panloob at pantalong maong. Kumuha rin siya ng puting t-shirt at isinuot. Walang pagmamadali siyang lumapit sa pinto at binuksan iyon.
"Saan ang sunog?" kunway patamad niyang tanong kasabay ng pagbukas ng pintuan ng kwarto niya. Bahagya siyang nagulat ng hindi lang ang Mommy at Daddy niya ang naroon. Nandito din ang lolo niya na ikinapagtaka niya.
"Bakit ang tagal mong buksan ang pinto?" matigas na tanong ng Daddy niya. Kitang-kita rin sa mukha nito na galit ito.
"I was taking a shower... Bakit ba?" balewala niyang sagot.
"Nagdala ka ba ng babae dito kagabi?" tanong ng Daddy niya. Tumatagos ang tingin nito papunta sa likod niya. Malamang tinitingnan kung totoo ngang may babae siyang dala.
Nagkibit lang siya ng balikat bilang sagot sa Daddy niya. Tapos ay tiningnan ang lolo niya. "Morning, Gran!" bati niya sa lolo niya. "Bakit ang aga niyo po yata?"
"I been looking for Kristel. Hindi siya umuwi kagabi," sagot ng lolo niya.
"Tsk. Tingnan mo nga naman. Kadarating lang kahapon ay gumawa na agad ng kababalaghan," may panghuhusga na turan niya. "Don't tell me na kaya niyo ako pinuntahan ay dahil magpapatulong kayong hanapin siya?"
"Actually, we found---"
Pinutol niya ang sasabihin sana ng lolo niya. "Never mind Gran. Don't waste your breath dahil wala kayong mapapala sa akin. Hindi niyo ako maaasahan na sumamang maghanap sa isang taong wala naman akong pakialam at kinalaman."
"Adam, watch your mouth!" saway ng Mommy niya.
Nagkibit lang ulit siya ng balikat. Patamad na namulsa. " So please if you'll excuse me... May gagawin pa ako---"
"Nawawala si Kristel tapos 'yan lang ang sasabihin mo? Paano kung napahamak na 'yon kung saan? Nasaan na ang konsensya mong bata ka!" saway muli nang Mommy niya.
"So? Anong gusto niyong gawin ko? Magkumahog akong hanapanin ang isang taong ni hindi ko nga kilala?" may pang-uuyam sa tono ng boses niya. Wala naman talaga siyang pakialam kung nasaan man ang babaeng 'yon. Mas gugustuhin pa nga niyang malaman na nagtanan ito kung kanino eh. Para solve na ang problema niya.
"We don't expect you to do that. Iyon ay kung talagang wala kang kinalaman sa hindi niya pag-uwi kagabi!" anang lolo niya.
"Ako? Ano namang kinalaman ko doon? You think pinakidnap ko siya at pinasalvage para matigil na ang binubuo niyong kalokohan na ipakasal ako sa kanya?" may bahagya pang ngisi na turan niya.
"Shut up at makinig ka muna!" ang Daddy niya. "Nakita na namin ang sasakyan na gamit ni Kristel."
"It was parked in front of the disco bar na pagmamay-ari ng kaibigan mong si Austin Andrews," mula naman sa lolo niya.
"So what? Anong pakialam ko doon?" yamot na tanong niya.
"Malaki!" sagot ng Daddy niya.
"Gusto niyong itanong kung nakita ko siya? I did not! Tsaka hindi ko nga siya kilala eh."
"We'll see..." anang Mommy niya na pumasok na sa kwarto niya. Dumeretso ito sa magulo niyang kama.
Ang lolo at daddy niya ay nanatili lang sa labas ng pinto.
"May nakapagsabi sa amin na kasama mong umalis ng bar si Kristel kagabi. At sabi ng isang katulong ay nakita ka niyang may kasamang babae pagpasok mo ng bahay kagabi," turan ng Daddy niya.
"What? Pwes nagkakamali kayo. Ibang babae ang kasama ko. Si... si..." nangunot ang noo niya. Ano nga bang pangalan ng babaeng kasalukuyang naliligo parin sa banyo niya ngayon? Hindi niya matandaan. Hindi niya alam. Hindi naman siya nagka interes na itanong dito ang pangalan nito kagabi. Sa isang one night stand ay hindi na mahalaga ang pangalan. E pagkatapos naman nila sa isa't isa ay goodbye narin naman sila. So ano pang silbi ng pangalan?
Napakamot siya sa batok ng wala siyang masabing pangalan. Sinundan niya ng tingin ang Mommy niya na may pinulot sa kama niya.
"Bakit may dugo itong kumot mo?" bakas ang kabiglaan sa boses at mukha ng Mommy niya.
Nagkatinginan naman sina Anthony at Don Armando.
Lalong nanlaki ang mga mata ni Cynthia ng makita ang punit na bestida ng babae sa baba ng kama ng anak.
"And what's this?" sindak na tanong nito. Baka kung ano nang kalokohan ang ginawa ng anak niya.
Agad na napahakbang papasok ng kwarto si Don Armando at kinuha ang damit sa kamay ng anak. "Ito ang damit na suot ni Kristel kahapon!" siguradong turan nito.
Ramdam ni Adam ang pagkawala ng kulay ng mukha niya. Ayaw tanggapin ng isip ang posibilidad na ang kasama at nakatalik niyang babae kagabi at ngayong umaga at ang babaeng gustong ipakasal sa kanya ng pamilya niya sa kanya ay iisa.
"No,no,no... That's imposible, hindi---"
Naputol ang sasabihin niya ng bumukas ang pinto ng banyo.
"Iyong damit ko pala nasaan--- Ayyyy..." tili ni Kristel ng paglabas niya ng shower at pag-angat ng tingin ay hindi lang iisang pares ng mga mata ang nakatingin sa kanya kundi apat na pares na iyon.
Agad na pinagcross ang mga kamay niya sa katawan. Hindi alam kung babalik ba ng banyo o tatakbo palabas. Ngunit puting robe lang ang suot niya. Nakabalot pa ang buhok niya ng puting tuwalya.
Kaya ang pagbalik sa banyo ang choice niya. Ngunit agad na napigil ang paghakbang niya ng may pamilyar na boses na tumawag sa kanya.
"Maria Kristel apo?"
Agad siyang napalingon. "L-Lolo Mando? A-Ano pong ginagawa niyo dito?" kandautal na tanong niya sa matanda. Pulang-pula ang mukha sa hiya. Hindi niya akalain na makikita siya ng matanda sa ganitong sitwasyon. Na hindi na kailangan ng manghuhula para malaman kung ano ang ginawa niyang kababalaghan.
"Well... Cynthia here is my daughter turo nito sa ginang na nasa tabi nito. That guy over there is Anthony Ramirez, my Son in law. And of course that guy who own this room is my dear grandson-Adam Ocampo Ramirez," mahabang sagot ng matanda na ipinakilala ang mga tao sa paligid niya.
Nanlaki ang mga mata ni Kristel "P-Po? S-Sino po? A-Adam?" kandautal niyang tanong litong-lito. Sinundan ng tingin ang huling itinuro ng matanda. "I-Ikaw si A-Adam?"
♥ ♥ ♥
HINDI makatingin ng diretso si Kristel sa mga taong nasa harapan niya ngayon. Hiyang-hiya siya sa nangyari. Kaya naman nakatungo lang siya habang nakaupo sa malambot na couch sa sala ng malaking bahay na pinagdalhan sa kanya ng lalaki na Adam pala ang pangalan at ang apo ni lolo Mando na gustong ipakasal sa kanya.
Nakapagpalit na rin siya ng damit. Pinahiram siya ng damit ng Mommy ni Adam. Napunit ang suot niyang damit kagabi o mas tamang sabihin na pinunit iyon ni Adam kaya ngayon ay hindi na mapapakinabangan pa. Kaya naman pinahiram siya ni Cynthia ng isusuot.
"I can't believe na nagawa niyo itong dalawa? Ano na ang nangyayari sa kabataan ngayon? Nakikipagsiping sa hindi man lang nila kakilala?" disappointed na turan ni lolo Mando.
Hindi na napigilan ni Kristel ang pagkawala ng butil ng luha sa mga mata niya. Naisip niya na ang parehong salita ay siguradong maririnig niya sa lolo Kris niya kung nabubuhay ito ngayon. Ano ba kasing pumasok sa utak niya at nagawa niya ang ganitong bagay? Sobrang nakakahiya!
"I-I'm so sorry po kung pinag-alala ko kayo sa paghahanap sa akin!" hingi niya ng paumanhin, hindi parin makatingin sa mga taong nasa harapan niya.
"Ano na ang plano niyo ngayon?" tanong ni Cynthia na baga man at kalmado ang boses, bakas naman sa mukha ang disappointment.
"Kailangan pa bang itanong 'yan? Syempre kailangan panagutan ng anak mo ang pangingialam niya dito kay Kristel! Magpapakasal sila sa lalong madaling panahon," matigas na turan ni Francis.
"Ho?" nabibiglang bulalas ni Kristel.
"What? No way!" bulalas naman ni Adam, napatayo pa ito mula sa pagkakaupo sa couch. "Paano kong pakakasalan ang isang babaeng kagabi ko lang nakilala?"
"Well, sana naiisip mo 'yan bago mo pinakialaman itong si Kristel!" sagot ni Don Armando dito.
"Handang handa kang pakialaman ang isang babaeng kagabi mo lang nakilala, pero wala kang planong panagutan ang ginawa mo? Hindi ka nga nag-abalang alamin ang pangalan niya. Pero ano... hindi ka nagdalawang isip na galawin siya,diba?" galit parin ang boses ni Anthony.
Hindi nakasagot si Adam. Galit na galit sa sarili. Bakit nga ba hindi niya muna inalam kung sino ito. Wala sana siya sa sitwasyon niya ngayon. Pero kahit naman inalam niya ang pangalan nito eh hindi naman niya ito kilala, paano niyang malalaman na ito at ang babaeng apo ng kaibigan ni lolo Mando ay iisa.
"Bilang tumatayong guardian nitong si Kristel. Hindi ako papayag na hindi mo siya pakakasalan! Pananagutan mo siya sa ayaw at sa gusto mo, Adam! " turan ni Don Armando. Itinatago ang tuwa sa animo galit niyang boses. Yes, natutuwa siya dahil mukhang mapapadali ang gusto nilang mangyari dahil sa ginawa ng dalawa.
"Pero, lolo Mando..." kokontra sana si Kristel.
"Walang pero pero...We will set your wedding as soon as possible," may finality na turan ni Anthony.
"There is no way na papayag ako sa gusto niyo!" galit na turan ni Adam. Feeling niya pinagkakaisahan siya ng pamilya. Iniipit siya para makuha ng mga ito ang gusto.
"No one is giving you choice,Adam. Pinakialaman mo... Panagutan mo! As simple as that," turan ng Mommy niya.
Hindi naman alam ni Kristel kung paano kontrahin ang mga tao sa harap niya. Kaya nanahimik nalang siya habang tahimik na lumuluha sa kinauupuan niya.
"Pareho kaming nasa tamang edad na. Hindi minor ang babaeng 'yan!" turo niya kay Kristel. "Kaya huwag kayong umakto na malaking kasalanan ang nagawa ko!"
Sobrang sakit ng nararamdaman ni Kristel. Pakiramdam niya ay dinudurog ng mga salita na naririnig mula kay Adam ang puso niya. Wala na ang lambing sa boses ng lalaking paulit-ulit na tumatawag ng sweetheart sa kanya kagabi at kaninang umaga. Ang lalaking nagpadama sa kanya ng kakaibang ligaya bilang babae. Babaeng 'yan nalang siya ngayon para dito. At kung makatingin ito sa kanya ngayon ay tila ba isa siyang nakakadiring nilalang. Na kung pwede lang ibalik ang pangyayari kagabi ay baka nga hindi siya nito bigyan manlang ng tingin.
"Hindi nga minor si Kristel pero birhen siya at alam mo 'yan!" ang Mommy niya ng maalala ang mantsa ng dugo sa kumot ng anak.
Nasabunutan ni Adam ang buhok. Sinasabi na ngaba niya at malas sa buhay niya ang mga birhen eh. Ngunit hindi siya nakinig sa instinct niya kagabi. Nangibabaw ang kalibögan niya.
"Paano kung magbunga ang nangyari sa inyong dalawa?" pagpapatuloy ng Mommy niya.
Napalakas ang iyak ni Kristel. Itinakip ang dalawang palad sa mukha. Ngayon niya gustong pagsisihan na pumasok siya sa sitwasyong ito. Paano nga kung magbunga ang nangyari? Wala siyang alam sa larangan ng pakikipagtalik pero kahit papano ay hindi naman siya ganun ka inosente. Alam niyang hindi gumamit ng proteksyon si Adam sa ilang beses nilang pagniniig.
"Anong bunga?" parang stupidong pag-uulit naman ni Adam sa sinabi ng ina.
"Talaga bang hindi ka na nag-iisip?" matigas na turan ng Daddy niya. "Pinakialaman mo si Kristel! Eh di malamang mabuntis 'yan! At hindi ako papayag na ang magiging tagapagmana at susunod sa pangalang Ramirez ay isang anak sa labas!"
"Wow naman... Buntis agad? Ang bilis naman agad ng nilakad ng imahinasyon niyo. Paanong mabubuntis---"
"Bakit paano kang nakasisiguro na hindi magbubunga ang kasutilang ginawa mong bata ka?" sabat muli ng lolo niya. Naghahamon ang boses nito.
"Kasi... kasi..." paano nga ba? " s**t! s**t! s**t!" sunod-sunod na mura niya. "Dalawang beses nga pala niya ginalaw ito ng hindi ginagamitan ng proteksyon. At pinutok niya pa lahat iyon sa loob nito.
"See? Wala kang masabi. Ikaw mismo hindi sigurado na hindi magbubunga iyang kalokohan mo!" muling turan ng lolo niya.
"We will set the wedding sa ayaw at sa gusto niyo!" final na turan ng daddy niya at iniwan na sila.
Maya-maya ay tumayo narin ang mommy niya para sundan ang asawa.
"Pag-usapan niyong dalawa ang petsa ng kasal niyo," turan naman ni Don Armando at tumayo na rin. Naiwan si Adam at Kristel.