MATAPOS ang nangyari ay gusto nalamang bumalik ni Kristel sa Manila at kalimutan ang lahat ng nangyari sa pagitan nila ni Adam. Ngunit ayaw siyang payagan ni lolo Mando.
"Hindi pwedeng baliwalain lang natin ang namagitan sa inyo ng apo kong si Adam, Kristel. Kailangan na panagutan ka niya," nasa boses ni lolo Mando ang hindi mababali na desisyon.
"Pero hindi na po kailangan. Tsaka nakita niyo naman po ang reaksyon ng apo niyo kanina, diba? Ayaw niya sa akin..." parang maluluha na naman si Kristel. Maalala palang niya ang itsura ni Adam kanina habang pinipilit ito ng pamilya nito na panagutan siya ay pinipiga na ang puso niya sa sakit. Hindi niya sukat akalain na ituturin nitong isang bangongot ang masarap na sandaling pinagsaluhan nila.
"Sinabi ba niyang ayaw niya sayo? Ang naalala ko ang inaayawan niya ay ang kasal ngunit wala siyang sinabi na ayaw niya sayo,iha."
"Pareho na rin po 'yon, lolo Mando. Ayaw niya sa akin kaya ayaw niya akong pakasalan."
"I don't think so, iha. Hindi ngaba at magkasama kayo magdamag at may nangyari pa sa inyo kahit hindi niyo naman kilala ang isa't isa? It's because you were attracted to each other!"
"Lasing lang po kami pareho kagabi..." pagdideny ni Kristel.
"I don't believe you, Kristel. Bakit sa dami ng lalaki sa bar kagabi ay kay Adam ka sumama? Sige nga, sabihin mo nga sa akin..."
Napaisip naman si Kristel. Bakit ngaba? Sa totoo lang ay hindi lang naman si Adam ang nag-iisang lalaking nagpakita ng interest sa kanya kagabi sa bar. Ngunit hindi niya pinansin. Pero ng si Adam ang lumapit sa kanya ay ang bilis niyang bumigay sa nakakaakit na tingin nito.
"Tama ako,diba? You like Adam kaya ka sumama sa kanya," turan ni lolo Mando ng hindi makapagsalita si Kristel.
"Lolo Mando, mali po kayo. Lasing lang po talaga ako at magulo ang isip ko kagabi dahil sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon."
"Kristel hija, don't you think it's a destiny?" putol ni lolo Mando sa sinasabi niya. "Pinagtagpo kayo ng panahon at pagkakataon para matuloy ang kasal niyo. Isa pa, iha. Gusto mong bumalik na sa Manila at kalimutan nalang ang nangyari. Paano kung magbunga ang nangyari sa inyo ni Adam? Nakalimutan mo ba ang dahilan kung bakit ka narito? Iisipin ng lahat na si Roy ang ama ng bata. Lalong hindi ka patatahimikin ng asawa niya. Lalo lang niya sisirain ang buhay mo kapag nagkataon."
"Lolo Mando, ayaw ko pong ipagsiksikan ang sarili ko sa isang taong ayaw sa akin. Tsaka hindi naman po tayo nakakasiguro na magbubunga ang nangyari sa amin."
"No, hindi parin kita papayagan na umalis. Paano ko nalang haharapin ang lolo Kris mo sa kabilang buhay? Matanda na ako, iha. Hindi na ako magtatagal dito sa mundong ibabaw. Sooner or later magkikita na kami ng lolo Kris mo," may halong pangungunsensiya nang turan ng matanda.
Wala naman naisagot si Kristel. Sumasakit ang ulo niya sa nangyayari. Mas malakas pa ito sa hangover.
"Magpahinga ka na muna sa kwarto mo, Kristel. Pag-isipan mo na munang mabuti ang lahat."
Walang nagawa si Kristel kundi ang pumasok nalang sa kwarto na ipinapagamit sa kanya. Sobrang sakit talaga ng ulo niya at gusto niya nalang muna itulog. Hoping na sana paggising niya ayos na ang lahat at panaginip lang ang lahat ng nangyayaring ito sa buhay niya.
♥ ♥ ♥
ILANG minuto na siyang nakahiga sa kama ngunit hindi parin siya dalawin ng antok. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ang naging pag-uusap nila ni Adam noong iwanan sila ng mga magulang at lolo nito kanina.
"What now?" tanong nito sa kanya noong mapag-isa sila.
"I-I'm sorry..." humihikbi niyang turan. Hindi niya alam kung bakit siya humihingi ng paumanhin. Ngunit iyon ang lumabas sa bibig niya kanina. Nakikita niya kasi ang galit sa mukha ng lalaki.
"Sorry? Ganoon lang, sorry?" walang pagbabago sa tono ng boses nito.
"Anong gusto mong sabihin ko?" tanong niya. Nakaramdam siya ng takot sa tono ng boses nito na para bang anytime ay bubuhatin siya nito at itatapon siya palabas ng bintana.
"Ano pa? Eh di sabihin mo sa kanila na hindi na kailangan ng kasal dahil ayaw mo at ginusto mo rin ang nangyari! O baka naman ito talaga ang gusto mo..."
Nalilitong nag-angat siya ng luhaang mukha. "Anong ibig mong sabihin?"
"Bakit parang ako lang yata ang umaayaw sa kasalang sinasabi nila... Hindi kaya kasabwat ka nila?" naroon ang pagdududa sa boses ni Adam.
"Kasabwat saan?" lito niya paring tanong. Walang ideya sa kung ano mang sinasabi nito.
"Hindi kaya... Plano niyo talagang i-set-up ako para hindi na ako makatanggi sa kasal na gusto niyo?" walang pagdadalawang isip na turan ni Adam.
"Anong set-up ang pinagsasabi mo? Wala akong alam sa pinagsasabi mo!" agad na tanggi niya.
"Oh really? Ibig mong sabihin talagang hindi sadya na magpunta ka sa disco bar ng kaibigan ko at maupo sa katabing mesa kung saan doon kami palaging umuupo ng mga kaibigan ko?"
Tumango siya. Hindi naman talaga niya alam na magkakaganito ang isang simpleng gabi kung saan gusto lang naman niya makalimot sandali ng mga problema niya. Kaya binanatan niya ang isang bote ng tequila.
"Bullshit!!! Sabi mo kagabi ikakasal ka na... So, talagang plano mo na talagang matuloy na makasal sa akin! Paano mo ako papaniwalain na hindi mo talaga ako kilala gayong pumayag ka na sa gusto nila lolo na makasal sa akin. Sige nga sabihin mo nga sa akin?"
"Sinabi ko ba 'yon?" nalilitong tanong niya na mas para sa sarili. Hindi niya matandaan ang sinabi niya kagabi.
"Oh come on... Huwag kang magpanggap na wala kang matandaan dahil hindi ako naniniwala sayo!" sigaw ni Adam sa kanya.
Muntikan na siyang napatalon sa kinauupuan dahil sa gulat niya dito. "H-Hindi talaga kita kilala! Kung nasabi ko man 'yon dahil 'yon siguro ang iniisip ko kagabi. Isa rin 'yan sa dahilan kung bakit umiinom at naglalasing ako kagabi," paliwanag niya.
"I don't believe you! Bakit hindi mo nalang aminin na plano niyo talaga 'to nila Gran. Alam niyong kahit anong gawin niyo ay hindi ako papayag na magpakasal sayo... Kaya pinain niyo, mo sa akin ang sarili mo para wala na akong lusot," halos maglabasan ang mga ugat sa leeg ni Adam sa galit na nararamdaman. Pakiramdam niya pinagkakaisahan siya ng mga tao sa paligid niya at nakikisali pa si Kristel.
"Excused me! Eh sino ba itong lumapit sa akin kagabi at seniduce ako? Hindi ba't ikaw at hindi ako! Ang yabang-yabang mo akala mo kung sino kang gwapo!" galit na rin siya. Hindi matanggap ang paratang ng lalaki sa kanya. Malay niya ba na ito pala ang isa sa apo ni lolo Mando.
"At sinong matinong virgin ang basta nalang magpapaakit sa isang lalaking kagabi niya lang nakilala? Plinano niyo ang lahat para wala na akong magawa kundi sumunod sa gusto niyong mangyari at pumayag na magpakasal sayo!" malakas parin ang boses nito. Animo walang pakialam sa kung sino man ang makakarinig.
Kumawala na talaga ang pagtitimpi niya. Pulang pula ang mukha sa galit at hiya dahil sa ginagawa nitong pagsigaw-sigaw sa kanya. Hindi siya sanay na sinisigaw sigawan lang ngunit ang lalaking ito sa harap niya matapos niyang pagbigyan ng virginity niya kagabi, kung makasigaw sa kanya ngayon ay ganoon nalang?
"Wow. Ang kapal ng mukha mo!" napatayo na siya at hinarap ang lalaking pumaparatang sa kanya. "Akala mo ba gusto kong makasal sa isang aroganteng seducer na katulad mo? Kung alam ko lang na napakayabang mo... Nungkang sumama ako sayo kagabi at ibinigay ang virginity ko! At alam mo kung ano?" humento siya sandali sa pagsasalita at lumapit pa lalo dito. Dinuro ito sa dibdib ng hintuturo niya. "Ngayon palang pinagsisihan ko na, na nakilala kita! Ngayon palang pinagsisihan ko na sa dinami-dami ng lalaki sa bar kagabi, sayo ko pa nabigay ang sarili ko!!! At huwag kang mag-alala! Hindi rin naman ako papayag na makasal sa isang mayabang na katulad mo! Hindi kita kailangan sa buhay ko. Tandaan mo 'yan!" punong puno ng galit at sakit na litanya niya. Pagkatapos ay nagwalk out na siya.
Hindi na niya hinintay na madagdagan pa ang masasakit na salitang narinig niya mula dito.
"Bakit ba sa akin pa nangyayari ang lahat ng ito? Simple lang naman ang gusto ko sa buhay kong ito. Isang taong magmamahal sa akin! Isang taong uuwian ko pagkatapos ng nakakapagod na maghapon. Isang taong magpaparamdam sa akin na mahalaga ako. Pero bakit ba biglang sa ganitong sitwasyon ako napunta?" kausap niya sa sarili. Pinahid ang luhang hindi niya namalayang umagos na pala sa mga mata niya. "Kakayanin ko pa ba 'to? Bakit ba parang ang hirap naman yata!"