PIKON na pikon si Adam. Pinagtatawanan kasi siya ng kaibigang si Austin Andrews ng sabihin niya dito ang tungkol sa kanila ni Kristel. Narito siya ngayon sa ABC resort sa San Vicente. Ang resort na pag-aari ng pamilya nila Austin. Matapos ang sagutan nila ng pamilya niya at ni Kristel ay dito siya nagpunta. Kung pwede lang magpakalayo-layo siya. Iyong malayong-malayo ay ginawa na niya. Ngunit hanggang dito lang kalayo ang magagawa niya dahil wala naman siyang pera. "Anong nakakatawa?" pikon na tanong niya sa kaibigan. Halos maotot yata ito sa sobrang tawa. "Sorry,sorry,dude. Hindi ko lang talaga mapigilan ang tawa ko e," nakahawak pa rin sa tiyan na paghingi ng paumanhin nito. Halata na pinipigil ang tawa. "Akalain mo nga naman kung maglaro ang tadhana. Sinong mag-aakala na ang babaeng

