NANLAKI ang mga mata ni Kristel sa pagkabigla. Sandaling hindi nakakilos. Sinamantala naman ni Adam ang pagkakabigla niya. Mas lalo pa nitong pinalalim ang pagkakahalik sa kanya. Nakahawak sa may batok niya ang isang kamay habang yapos naman ng isa ang katawan niya. Mariin ang ginagawa nitong halik na animo nagpaparusa. "Aaano ba! Bi-tawan m-mo nga ako..." nagpapalag siya. Ngunit malakas si Adam. Halos hindi manlang nito iniinda ang panunulak niya. Humihigpit pa nga lalo ang pagkakayakap nito sa katawan niya at patuloy ito sa mariing pag-angkin sa mga labi niya. Naaamoy at nalalasahan niya ang alak sa bibig nito. Pero sigurado siyang hindi naman ito lasing. Gayon pa man ay kinabahan siya. Baka maulit nanaman ang nangyari sa kanila. Para kasing alipin nito ang katawan niya na parang gu

