"Xia, let's go home. I'll bring you home, okay?" aniya pero agad namang umiwas sa kanya ang lasing niyang kaibigan.
"Niluko niyo ako. Nagtiwala ako sa inyo."
Naawang napatingin na lamang si Martha sa mg luha ni Xia. Alam naman niyang may mali siya kaya wala siyang ibang magagawa kundi ang tingnan na lamang ito habang nasasaktan.
"Bakit? Anong nagawa kong mali? May nagawa ba akong kasalanan sa inyo kaya kailangan niyong ganituhin ako ngayon?"
Napahikbi si Xia pero mabilis din naman niyang pinahiran ang kanyang mga luha na para bang gusto niyang sabihin sa mga ito na kaya niya. Kaya niyang tiisin ang lahat ng sakit kahit pa durog na durog na siya.
Tahimik na sinunsundan ni Martha ang kanyang kaibigan habang paika-ika na itong naglalakad pauwi.
May pakanta-kanta pa itong nalalaman habang naglalakad sa gitna ng kadiliman.
Sinubukan na ring tawagan ni Martha si Alexander pero hindi niya ito makuntak.
Tinawagan na rin niya si Nicole pero ring lang nang ring ang phone nito na para bang wala itong balak na sagutin siya kaya mas minabuti na lamang niyang itigil ang pagtawag sa mga ito at tahimik na sundan si Xia.
Hindi niya akalain na hahantong ang lahat sa ganitong sitwasyon. Simple lang naman ang hiling niya para sa dalawa niyang kaibigan, 'yon ay pareho niyang makitang masaya ang mga ito pero bakit iba ang nangyari sa kanyang hiling?
Habang naglalakad si Xia ay bigla na lamang itong tumawid na hindi man lang pinansin ang rumaragasang sasakyang paparating kaya sa sobrang takot ni Martha ay mabilis niya itong hinila pabalik.
Napayakap sa kanya si Xia habang siya naman ay tumatambol ng kaylakas ang kanyang dibdib sa kaba para sa kaligtasan ng kanyang kaibigan.
"Okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong dito.
Napatingin lamang sa kanya si Xia at sa muli ay nasaksihan niya ang pagdaloy ng masasagana nitong mga luha kasabay ng patulak nitong pagbitaw mula sa pagkakayakap nito sa kanya.
Agad na tumalikod si Xia at mabilis nitong pinahid ang mga luha.
"Sorry." Isang salita na may limang letra at dalawang syllables pero hanggang buto naman ang sakit na naidulot nu'n sa puso ni Xia.
Sa sorry ni Martha, napatunayan na rin ni Xia na inaamin nitong pinagluluko siya ng mga ito!
"Pareho kayong mahalaga sa akin ni Nicole kaya hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung sino ang dapat kong kakampihan," nakayuko niyang pahayag.
Pumihit paharap sa kanya si Xia at mataman siya nitong pinagmasdan.
"Alam mo bang isa sa amin ang kinampihan mo?"
Napaangat ng mukha si Martha at nagtatakang napatingin siya kay Xia.
"Si Nicole ang kinampihan mo at hindi ako kaya huwag mong sabihing hindi mo alam kung sino sa amin ang kakampihan mo."
May pagdidiin sa bawat katagang lumalabas mula sa bibig ni Xia.
"Hindi ganu'n 'yon-----"Ganu'n 'yon, Martha," agad na sabad ni Xia sa iba pa sana niyang sasabihin.
"Ngayon, alam ko nang hindi ako mahalaga sa'yo. Ngayon, alam ko nang-----"Mahalaga ka sa akin, Xia. Sobra kang mahalaga sa akin," aniya habang umiiyak.
"Then, why?!" singhal ni Xia sa kaibigan.
Sino ba kasi ang niluluko nito? Matapos siyang gawing tanga at katawa-tawa ay bigla na lamang nitong sasabihing mahalaga siya para rito?
"Why you never tried to tell me the truth?" umiiyak niyang tanong.
"Dahil ayaw kong masaktan ka at----"At ayaw mong masaktan si Nicole, hindi ba?"
Natahimik si Martha sa tanong nito dahil tama naman talaga.
"Pareho kayong mahalaga sa akin."
"Siya lang ang mahalaga para sa'yo, Martha. Alam mo ba 'yon?" galit na tanong nito sa kanya.
"Xia, hindi ganu'n 'yon," umiiyak niyang saad.
"Kung talagang mahalaga ako sa'yo, dapat noong una pa lamang sinabi mo na sa akin ang totoo upang kahit papaano ay alam ko kung ano nga ba ang tunay na nangyayari sa paligid ko pero anong ginawa mo? Nanatili kang tahimik at umaasta na parang wala lang."
Hiling ni Martha, kung may tao mang nararapat na makasaksi ng eksenang 'to, 'yon ay walang iba kundi ang dalawang nagluluko!
"Ginawa niyo akong tanga."
"Xia, makinig ka muna."
"Tama na. Masyado nang masakit, Martha."
Walang tigil sa kadadaloy ang mga luha ni Xia sa magkabila niyang pisngi.
Bakit ba kasi ang luha ng tao ay walang katapusan? Hangga't nasasaktan pa ay sadyang may mailuluha pa.
"Kung alam ko lang sana na lulukuhin niyo ako. Kung alam ko lang sana na pagkakaisahan niyo ako. Sana, hindi na lang ako nagtiwala sa inyo noong una pa lamang. Sana, hindi na lang ako lumapit sa inyo noon at sana... hindi ko na lang kayo nakilala pa."
Napaawang ang mga labi ni Martha sa huling sinabi ni Xia at talagang hanggang buto ang sakit na kanyang naramdaman sa mga katagang 'yon. Hindi niya inaasahan na maririnig niya galing mismo sa bibig nito ang mga katagang ni minsan ay hindi sumagi sa kanyang isipan na isang araw ay maririnig niya ito.
Matapos sabihin ni Xia ang mga iyon ay agad siyang pumara ng taxi at walang pag-aalinlangang iniwan ang kaibigang natulala pa rin.
Lalo siyang napaiyak habang paatuloy na nanariwa sa kanyang ala-ala ang lahat ng masasakit na kaalamang bigla na lamang dumating sa kanyang buhay.
Pagdating ni Xia sa kanilang bahay ay ang dilim ng loob nu'n ang siyang sumalubong sa kanya.
Hindi na niya nagawa pang buksan anv ilaw, dumiretso na siyang pumasok at nang maisara na niya ang pintuan ay saka na lamang muling umagos ang kanyang mga luha.
Napasandal siya sa pintuan at dahan-dahan na dumausdos habang walang tigil sa kaaagos ang kanyang mga luha.
Nanatiling naglalaro sa kanyang isipan ang lahat mula sa pagkabuko niya sa kanyang asawa at sa kanyang kaibigan sa pagtataksil na ginagawa ng mga ito sa kanyang likuran hanggang sa eksena kung saan niya nalaman na matagal na palang alam ni Martha ang pagtataksil na namamagitan kina Alexander at Nicole.
Naitakip niya nang mahigpit ang dalawa niyang palad sa kanyang bibig dahil pilit niyang pinipigilan ang sariling mapahikbi ng malakas habang ang puso niya ay naninikip sa sakit na para bang unti-unti siyang kinikitilan ng hininga ng mga sandaling 'yon.
Ano bang naging kasalanan niya sa mga ito? Ano nga ba ang nagawang niyang mali sa mga ito?
Bakit pa ba niya nakilala ang mga ito?
Bakit pa ba nag-krus ang landas niya sa mga ito?
"Bakit ngayon ka lang?" salubong ni Marco sa kanyang asawang si Martha na kauuwi lamang nito kahit pa ilang oras na itong umalis mula nang nagpaalam ito sa kanya na pupuntahan nito ang kaibigang si Xia.
Hindi umimik si Martha na siyang ikinataka ni Marco.
"Honey?" tawag nita rito nang mapansin niya ang pagiging matamlay nito.
Nang napaangat ng mukha si Martha ay napatingin siya sa mga mata ng kanyang asawa kasabay ng muling pagdaloy ng kanyang mga luha sa magkabila niyang pisngi.
"A-anong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Marco nang makita niya ang mga luha ng asawa na bigla na lamang umagos mula sa mga mata nito.
Napayakap na lamang bigla si Martha sa kanyang asawa habang humahagulhol ng iyak. Talagang napakabigat para sa kanya ang lahat.
"Hayaan mo muna siyang lumamig," payo ni Marco matapos sabihin ni Martha rito ang buong katotohanan.
At medyo kumalma na rin ang kanyang pagkatao mula sa pag-iyak.
"Tama ka, sana noon pa man sinabi ko na sa kanya ang katotohanan," maluha-luha niyang saad habang inaalo-alo siya ng kanyang asawa.
Matagal na kasi niyang nalaman ang tungkol sa pagtataksil ng mga ito.
"Alex?" gulat pa niyang tawag sa pangalan ni Alexander nang mga sandaling nahuli niya itong may kayakap na ibang babae sa basement pa ng kompanya.
At kung nagulat man siya nang makita niyang may ibang babaeng kayakap ang asawa ng kanyang kaibigan ay mas nagulat siya nang makilala niyang kung sinong babaeng ang kayakap nit. Walang iba kundi si Nicole!
"Anong ibig sabihin nito?" nagtataka pa niyang tanong.
"Martha."
Sinubukan pa siyang hawakan noon ni Nicole pero agad naman siyang umiwas habang galit na nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga ito.
"Kailan pa? Kailan niyo pa niluluko si Xia?" tanong niya sa mga ito.
"Martha, hindi ganu'n," sabad ni Alexander na siyang nagpakulo sa kanyang dugo.
"At ano sa tingin mo, Alex?!" singhal niya rito habang si Nicole naman ay nag-aalala na ng sobra dahil sa takot na baka ipagkanulo sila ni Martha.
"Kailangang malaman 'to ni Xia," sabi niya saka mabilis na inihakbang niya ang kanyang mga paa palayo sa mga ito pero bago pa man siya nakalayo ng mga sandaling 'yon ay agad naman siyang pinigilan ni Nicole sa kanyang braso.
"Please, Martha. I'm begging you, don't tell her," pakiusap sa kanya ni Nicole noon.
Napawang pa nga ang kanyang labi nang biglang napaluhod sa kanyang harapan ang kaibigan at nakikiusap sa kanya habang umiiyak.
Dahil nga kaibigan niya ito. Dahil nga napamahal na sa kanya ai Nicole na parang kapatid ay nagawa niyang itago mula kay Xia ang lahat ng kanyang mga nalaman tungkol kina Alexander at Nicole.
Dahil mahalaga sa kanya si Nicole. Dahil ayaw niyang saktan ito. Dahil naisip niyang naghahanap lamang ito ng taong makakaraosan ng pagkakasabik sa asawa ay pinili niyang manahimik at magkunwari na parang walang nangyayari.
Nakukonsensiya sa kanyang ginawa kaya mas minabuti niyang sabihin kay Marco nag tungkol sa bagay na 'yon.
Pati si Marco, hindi rin halos makapaniwala na magagawa iyon ng kaibigan nitong si Alexander. Magkaibigan ang mga ito kaya hindi na rin nakaiwas sa mga payo nito si Alexander pero kahit na anong gawin nilang mag-asawa ay hindi pa rin natinag ang mga ito kaya mas minabuti na lamang din nilang ipagpatuloy kung ano man ang nasimulan nilang kasinungalingan.
Ilang beses na rin siyang pinayuhan ni Marco na sabihin kay Xia ang totoo pero mas pinili niyang itikom ang kanyang bibig para sa bagay na 'yon.
Natatakot siya parehong masaktan ang kanyang mga kaibigan.
Kaya ngayon, labis ang kanyang pagsisisi kung bakit nagpadala siya sa takot at pakiusap sa kanya ni Nicole. Kung pinili sana niya kung ano ang tama, malamang hindi hahantong ang lahat sa ganitong sitwasyon.