CHAPTER 27

1650 Words
Naaawang nanatiling nakamasid si Martha sa kanyang kaibigan habang napapasigok ito dahil sa pag-iyak at dahil na rin sa alak na naitungga na nito. "Please, stop drinking. You already drank," awat niya rito pero tiningnan lamang siya nitong may luha sa mga mata. "Ito lang ang tanging paraan na alam ko para makalimot ako," mapait nitong sagot. "Xia." Sinubukan pa rin niyang awatin ito pero hindi pa rin iyon umobra sa kaibigan. Ramdam talaga niya ang sakit na nararamdaman nito ngayon. Ano nga ba ang kanyang magagawa para kahit papaano ay mapagaan niya ang kalooban nito? "Alam mo bang matagal ko nang alam na nagluluko si Alex sa akin?" Kinuha ni Xia ang kanyang phone saka niya ipinakita sa kanyang kaibigan ang text message na kanyang natanggap mula sa isang unknown sender niya tungkol sa pagtataksil sa kanya ni Alexander. "Someone sent me a message, warned me about his betrayal but I didn't mind it kasi akala ko, pinaglalaruan lang ako ng kung sino mang nagmamay-ari ng phone number na 'yan." Binasa ni Martha ang text message na nasa phone ni Xia habang si Xia naman ay muling tumungga ng alak na agad naman niyang inagawa. "Tama na, Xia," naaawang muli niyang awat dito. Muling bumalong sa pisngi ni Xia ang mga luha. "I hurt other woman. I  humiliated her infront of her colleagues. I dragged my dignity down just because he betrayed me." Muling napahikbi si Xia habang nilalaro ng kamay nito ang basong hawak na may laman pang alak. "Hindi ko akalain na sariling kaibigan ko pala ang naging kalaguyo ng aswa ko." Lalo siyang napahagulhol ng iyak. Lalo siyang nasaktan. Lalo siyang dinurog-durog. Kinuha ni Xia ang phone nito na nasa ibabaw ng mesa matapos itong inilapag ni Martha du'n saka niya muling tiningnan ang phone number na kahit anong gawin niya ay wala talaga siyang alam na kilalang nagmamay-ari nu'n. "Ang hindi ko lang maintindihan, bakit ibang babae ang sinabi niya sa akin," dagdag pa niya habang si Martha naman ay nanatiling tahimik dahil ang totoo, hindi rin nito alam kung ano ang dapat gagawin. "I want to know the truth," saad ni Xia saka walang babalang agad niyang idinayal ang phone number saka niya ito inilapat sa kanyang tainga kahit pa langung-lango na siya. Nang nag-ring na ang phone number na kanyang tinatawagan ay agad naman siyang napatingin sa kanyang kaibigang nakaupo lamang sa kanyang tabi nang biglang nag-ring din ang phone nito. Agad kinuha ni Martha ang kanyang phone nang marinig niya ang pag-ring nito at nang makita nito kung sino ang tumatawag ay bahagya siyang natigilan at dali-dali niyang ikinansela ang tawag na iyon. Napakunot naman ang noo ni Xia nang biglang nawala mula sa kabilang linya ang kanyang tinatawagan. Pero, ayaw talaga niyang tumigil kaya agad niya itong muling tinawagan at nang i-off na sana ni Martha ang power ng kanyang phone ay muli na namang napatawag sa kanya ang caller at this time, muling napatingin sa kanya si Xia na may pagtataka sa mukha nito. Napaawang ang kanyang mga labi nang makita niya ang tingin ng kanyang kaibigan na para bang nang-uusig. A nang akma na sana niyang itago ang kanyang phone ay bigla naman itong inagaw mula sa kanya ni Xia na siyang labis niyang ikinabigla. "Xia!" gulat niyang sambit sa pangalan ng kanyang kaibigan at huli na para itago pa niya ang buong katotohanan. Napamaang na muling napatingin sa kanya si Xia at nasa mukha nito ang pagkabigla sa nalaman na hindi dapat nito malaman. "I-ikaw ang nagt-text sa akin?" hindi nito makapaniwalang tanong sa kanya habang hawak-hawak nito ang phone niya pati na rin ang phone nito habang patuloy pa rin ito sa pagri-ring. "Xia," nag-aalalang sambit niya sa pangalan nito. "Alam mo?" tanong nito sa kanya saka nito itinaas ang phone niya na hawak nito. "Noong una pa lamang, alam mo nang pinagluluko ako ng dalawang 'yon?" hindi pa rin nito matanggap na tanong sa kanya. Napatingin siya sa mga mata ni Xia na para bang nakikiusap na kung maaari ay pakinggan muna siya nito at nang akma na sana niyang hahawakan ang kamay nito ay bigla nitong iniwaksi ang kanyang kamay. "Xia, please let me explain first," mangiyak-ngiyak niyang pakiusap sa kaibigan na masyado nang bugbog sa sakit. "For what?!" singhal nito sabay tayo mula sa pagkakaupo nito. Napatayo na rin siya habang sinusubukan niyang pakalmahin ang kaibigan. Gusto nang tumulo ang mga luha ni Martha sa magkabila niyang pisngi dahil ayaw talaga niyang mangyari 'to sa kanilang pagkakaibigan. "Anong kasalanan ko?" Tuluyan nang muling bumalong sa magkabilang pisngi ni Xia ang mga luha habang si Martha naman ay hindi alam kung ano ang gagawin. "Bakit hindi mo sinabi sa akin ang buong katotohanan?" "Sinabi ko," maagap na sagot ni Martha. "Sinabi mo?" tanong ni Xia saka niya binuksan ang kanyang phone at ipinakita niya sa kaibigan ang text message na kanyang natanggap mula rito. "Ito ba ang ibig mong sabihin?" tanong nito uli, "Ito ba?!" bulyaw nito sabay hampas sa sahig ng hawak nitong sariling phone na siyang labis niyang ikinabigla. Wasak na wasak ang phone ni Xia nang tumama ito sa sementadong sahig ng bar na kinaroroonan nila ng mga sandaling 'yon. Napatingin na rin ang ibang nandu'n sa kanila na nagtataka na rin habang ramdam ng mga ito ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. "Anong tingin mo sa akin, Martha? A future teller na kahit isang text mo lang, malalaman ko na kaagad kung ano o kung sino ang tinutukoy mo? Ganu'n ba?!" Sunod-sunod na napailing si Martha. Papaano ba niya maipaliwanag kay Xia ang kanyang dahilan kung kaya hindi niya nagawang sabihin dito ang buong katotohanan. "Niloko niyo ako." Muling humagulhol si Xia sa iyak. Pakiramdam niya pinagkaisahan siya ng buong mundo at kahit na anong gawin niya ay hindi talaga niya malaman kung saan o kung ano ang kanyang nagawang mali sa mga ito. Muli siyang nakaupo sa upuan na okupado niya kanina habang umiiyak. Lumapit sa kanya si Martha at nang sinubukan siya nitong hawakan ay agad niyang iniwaksi ang kamay nito at napakasakit iyon para sa kanyang kaibigan. Dali-dali niyang sinalinan ng alak ang kanyang baso at mabilis niya itong tinungga saka muli siyang nagsalin pa. "Xia, tama na please," awat ni Martha pero hindi siya nagpatinag. Gusto niyang lunurin ang kanyang sarili sa alak para naman kahit papaano ay makalimot siya pero nakailang tungga na siya ay hindi pa rin mawala-wala sa kanyang puso at isipan ang lahat ng sakit na bumabalot ngayon sa kanyang buong pagkatao. Muli siyang nagsalin ng alak sa kanyang baso at walang anu-ano'y tumayo siya saka sumigaw. "Para sa asawa kong pinagtaksilan ako!" sigaw niya saka niya tinungga ang alak na nasa basong hawak niya saka muli siyang nagsalin ng panibagong alak. "Xia, please stop it," awat pa rin ni Martha pero nanatili siyang naging bato sa pakiusap ng kaibigan. Muli niyang itinaas ang hawak niyang baso sa direksyon kung saan maraming taong nakatingin sa kanya. "Ito para sa mga kaibigan kong nagawa akong lukuhin," aniya saka niya mabilisang tinungga ang alak kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha. Napapikit na lamang si Martha at hindi na niya napigilan pa ang kanyang mga luha. Tuluyan na itong umagos sa magkabila niyang pisngi. Napaupo siya dahil para bang hindi na kakayanin ng kanyang mga binti ang eksenang 'yon. Masyado nang masakit para sa kanya pero alam niyang kung may mas nasasaktan man sa kanilang lahat ngayon, 'yon ay ang kanyang kaibigan! Nahilamos niya ang dalawa niyang palad sa kanyang mukha habang gulong-gulo na ang kanyang isipan. Habang si Xia naman ay muli na namang kumuha ng alak at sa pangatlong pagkakataon ay muli niyanh itinaas ang kanyang kamay na may hawak ng baso. "Para sa sarili kong naging tanga! Cheers!" Patuloy pa rin sa pagdaloy ang mga luha ni Xia habang nilalagok niya ang alak sa basong hawak niya. Dali-dali namang napatayo si Martha at saka siya nito hinawakan sa braso. "Tama na. I'm begging you, Xia," humihikbi niyang saad habang ang mga tao naman ay kanya-kanya nang nag-uusap habang nakatuon sa kanila ang mga mata. Luhaan ang mga matang napalingon sa kanya si Xia na para bang nanunumbat. "Bakit ka umiiyak?" tanong nito saka nito itinaas ang kamay nito at pinahiran ang kanyang mga luha gamit ang hinlalaki nito. "Alam mo bang, wala kang karapatang umiyak?" Bahagyang napaawang ang mga labi ni Martha sa kanyang narinig. Isa iyon sa matibay na ebidensiya na nasaktan nga nila ng husto ang kaibigan. "Xia," sambit niya sa pangalan nito. "Ang mga manlulukong katulad niyo ay walang karapatang umiyak." Naglakad si Xia palapit sa maraming tao at saka ito gumawa ng eksena na siyang umagaw sa atensiyon ng mga taong nandu'n. "Alam niyo bang, this is the worst day in my life?" Paika-ika man ang paglalakad ay pinilit pa rin ni Xia na lapitan ang mga tao isa-isa habang si Martha naman ay naguguluhan sa kung ano bang dapat niyang gagawin. "I caught my husband having an affair with one of my bestfriends," pagkukwento nito. "And then, I found out that all of the people around me including her..." ani Xia sabay turo sa kinaroroonan ni Martha at napaangat naman ng mukha ang kaibigan na nagtataka habang may mga luha ang mga mata. Napatingin ang mga tao kay Martha kaya napayuko na lamang siya. "...they betrayed me." Lalong napaagos ang mga luha ni Martha. Noon pa man ay wala talaga siyang balak na lukuhin si Xia pero talagang naipit siya sa gitna ng mga ito. Hindi niya ito kayang lukuhin pero hindi naman niya kayang saktan si Nicole. Parehong mahalaga sa kanya ang dalawa kaya hindi niya alam kung saan nga ba siya dapat lulugar. Hindi niya alam kung sino nga ba sa dalawa ang dapat niyang protektahan at alagaan ang damdamin. Alam ng Diyos na parehong mahal niya ang dalawa pero bakit parang hindi iyon sapat?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD